^

True Confessions

Damo sa Pilapil (17)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SI Mam Dulceamor pa ang nagpaalala kay Zac na ipaalam lamang sa kanya kung kailan mag-e-enrol sa kolehiyo. Ibig sabihin, hindi nalilimutan ni Mam Dulce ang pangarap niya kaya nagpumilit na makapagtrabaho dito sa Maynila. Napakabuti ni Mam Dulce. Wala siyang masasabi sa kabaitan nito. Kaya hindi siya dapat gumawa ng anumang ikagagalit nito o ikapapahiya kaya. Pagbubutihan pa niya ang pagtatrabaho para walang maipintas sa kanya. Bihirang makaki­lala ng katulad ni Mam Dulce na hindi naman siya kaanu-ano at isang beses lang nagkita at nagkakilala ay mabait na mabait sa kanya. Sabi ni Manang Cion, talagang napakabait daw ni Mam Dulce at lalo raw itong tumutulong kapag ang taong tinutulungan ay nagsisikap.

Pinag-isipang mabuti ni Zac kung paano sasabihin kay Mam Dulce na maghahanap siya ng bagong titirhan. Alam naman ito ni Mam Dulce noon pa. Pero sabi nito, huwag na raw munang isipin iyon. Mas mahalaga raw na makakita muna ng trabaho. Kapag may trabaho na, saka na isipan ang paghanap ng titirahan.

Masabi kaya niya kay Mam Dulce iyon? Baka naman magtampo sa kanya. Baka sa halip na maging maganda ang tingin sa kanya ay mapasama.

Hindi na muna niya sasabihin ang bagay na iyon. Saka na lang. Kailangang tumiyempo siya. Dapat nasa tamang panahon.

Dahil sa pagka-exci-ted ni Zac na makapag-aral, pinasyalan niya ang unibersidad na gusto niyang pag-aralan. Malapit lang ito sa pinagtatrabahuhang kompanya. Isang sakay lang sa dyipni at puwede ring lakarin.

Habang nasa harap ng unibersidad ay nag-iimadyin si Zac na makapagtatapos doon. Pagbubutihin niya ang pag-aaral. Ipakikita niya sa kanyang tatay na kahit “damo lang sila sa pilapil’’ ay puwedeng umunlad at gumanda ang buhay. Nasa pagsisikap at pagtitiyaga lang ang susi ng tagumpay. Pag-uwi niya sa probinsiya ay may ipagmamalaki na siya sa kanyang tatay.

(Itutuloy)

MAM DULCEAMOR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with