^

True Confessions

Damo Sa Pilapil (4)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Naisip ni Zacharias na baka matulungan siya ng babae --- ni Mam Dulceamor – para makakita ng ibang trabaho. Gusto na niyang mabago ang buhay na hindi habampanahon ay narito sa bukid at nagsasaka. Sabi naman ni Mam Dulceamor na tawagan lamang siya o kaya ay puntahan sakali at mayroong kailangan. Manager ito ng isang realty. Baka maipasok siya nito ng trabaho sa kompanya nila – kahit janitor.

Nag-imadyin na agad si Zacharias na kapag natanggap siya sa kompanya ni Mam Dulceamor ay mag-aaral siya sa kolehiyo. Kahit pa medyo may edad na siya para magkolehiyo ay hindi siya mahihiya. Gusto niyang ma­ging mechanical engineer.

Pero paano niya ma­kakausap si Mam Dulcea­mor ay wala naman siyang cell phone.

Binasa muli niya ang calling card. Bukod sa mga number ng telepono ay may­roon palang maliit na address ang realty. Nasa Espana Blvd. Manila. Nasa Maynila pala ang kompanya ni Mam Dulceamor.

Nasa ganun siyang pagmumuni-muni nang dumating ang kanyang tatay.

‘‘Tulungan mo muna akong ibabad ang mga binhi na gagawing punla, Zac. Kailangang maibabad na para bukas o makalawa e maisabog na sa plot. Baka maatrasado tayo sa pagtatanim ng palay.’’

‘‘Tatay may sasabihin ako sa iyo. Tungkol dun sa tinulungan kong babae na na-flat ang sasakyan. Gusto kong tawagan para makahingi ng tulong na maipasok ako sa trabaho. Gusto ko talagang subukan ang ibang trabaho. Palagay ko matutulungan ako ng babae dahil mukha namang mabait. Kapag natulu­ngan akong magkatrabaho, mag-aaral ako sa kolehiyo. Ga­ganda ang buhay ko --- natin.’’

Napailing-iling ang tatay ni Zac.

“Damo lang tayo sa pilapil, Zac. Mahirap ‘yang iniisip mo. Papansinin ka ba nun e magsasaka ka lang. Kalimutan mo na ‘yan. Halika ka na at tulungan mo ako sa pagbababad ng binhi.’’  (Itutuloy) 

MAM DULCEAMOR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with