^

True Confessions

Ang Magkakapatid(150)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGPATULOY si Ma­nang Caridad sa pagkukuwento ng buhay nito. Nakikinig naman ang magkapatid na sina Ipe at Ada. Natatangay sila sa kuwento.

“Natapos din ang paghihirap ko sa pakikisama kay Lauro­. Napatay siya sa isang inuman. Noon ay isang taon pa lamang ang aming anak na lalaki. Sabi ni Enyora, doon na uli ako tumira sa bahay nila. Mas mapapaganda raw ang pagpapalaki ko sa aking anak. Nagpa­salamat ako kay Enyora. Sa kabila pala na mapanghimasok ito sa buhay ay may nakatago ring kabutihan sa puso.

“Doon sa bahay ni Enyora lumaki ang aking anak. Napabuti ang kalagayan niya dahil maayos na nakapag-aral. Nakatapos­ ng kolehiyo at naka­pag-abroad.

“Mula naman noon ay hindi ko na nakita si Nesto sa bahay. Su­mama siya kay Philip. Naghiwalay na kasi si Philip at ang asawa nito. Hanggang sa mabalitaan kong nalulong sa alak at shabu si Philip. Kasunod ay ang unti-unting pagbagsak ng negosyo nina Enyora. Hanggang sa maging mahirap pa sa daga. Ako naman ay nakapagpundar ng katamtamang laki ng lote sa Manunggal St. at pinatayuan ko ng bahay. Naisip ko kasi noon, kaila­ngang may sarili akong bahay para pagtanda ay may sa­rili. Kaya nang wala nang matirahan si Enyora, doon ko siya dinala sa bahay. Gulat na gulat siya. Hindi akalain may na­ipundar ako. Talo ko pa raw siya.

“Hindi na ako nag-asawa mula noon at ibinuhos sa aking­ anak ang panahon­. Hanggang sa makapag-abroad ang anak ko lu­muwag ang buhay.’’

Nagkukuwento pa si Manang Caridad nang may dumating. Tumawag mula sa labas. Boses lalaki. Malambing.

“Caring! Caring!’’

Nang tingnan ni Manang Caridad kung sino, natuwa siya. Si Manong Nesto ang dumating!

Nang pumasok si Manong Nesto, gulat na gulat nang makita sina Ada at Ipe.

(Itutuloy)

ANG MAGKAKAPATID

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with