^

True Confessions

Ang Magkapatid (145)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MASAYANG-MASAYA si Ada nang matapos ang problema ni Gemo sa papa nito. Hindi nasayang ang kanyang pagsisikap nang makumbinsi niya si Gemo na patawarin ang papa nito. Masarap pala sa pakiramdam na mayroong natulu­ngan lalo pa’t ganunding problema ang kanyang pinagdaanan. Isang mala­king tagumpay para sa kanya ang nagawa para sa kasinta­han. Napagkasundo niya ang dalawang tao na kung iisipin ay mahirap gawin lalo pa’t matigas na ang kalooban ni Gemo laban sa ama. Pero dahil nga sa pagsisikap niya, napalambot niya si Gemo.

Ilang araw pa ang lumipas at nalaman niya na nailabas na ang papa ni Gemo sa ospital.

Si Gemo mismo ang nagbalita sa kanya nang magkita sila sa isang mall. Naka-leave sa ospital si Gemo para asikasuhin ang ama.

‘‘Inilabas na namin si Papa kahapon. Okey na siya. Magpapalakas na lang.’’

‘‘Salamat naman at okey na siya.’’

“Hinahanap ka nga niya kahapon. Sabi ko hindi ka puwedeng mag-absent sa ospital. Isama raw kita uli sa amin.’’

“Aba oo. Sa Linggo pupunta ako sa inyo. Magpagaling siya agad para mas masaya tayo.’’

“Sa tingin ko, mabilis lalakas si Papa kasi parang positibo ang isipan. Masigla na agad.’’’

‘‘Epekto yun nang ibinigay ninyong pagpapatawad. Nagkaroon siya nang pag-asa. Kumbaga sa kandilang may sindi, unti-unti na siyang nauupos dahil sa ihip ng hangin pero nang bigla n’yong koberan, biglang nabuhay ang sindi.’’

“Tama ka, Ada! Paano kaya kung wala ka? Sino kaya ang magpapayo sa akin? Tiyak kung walang nagpayo sa akin. matigas pa rin ang dibdib ko at hindi marunong magpatawad hanggang nga­yon. Salamat, Ada.’’

“Wala pong anuman, Gemo. Kasi nga, naranasan ko rin ang naranasan mo kaya alam ko ang mga gagawin. At saka, hindi talaga kita mapapabayaan. Nasasaktan ako kapag may problema ka. Talagang sobra-sobra ang pagmamahal ko sa’yo.’’

“Kaya naman mahal na mahal din kita, Ada. Hindi nga ako nanligaw sa iba kahit matagal tayong hindi nagkita. Alam ko magtatagpo muli tayo. Imagine, mula noong nasa high school pa tayo, inaalagaan ko ang pag-ibig sa’yo. Ikaw lang talaga at wala nang iba, Ada.’’

Pagkasabi, marahang pinisil ni Gemo ang malambot na palad ni Ada. Ginantihan din naman iyon ni Ada ng pisil.

(Itutuloy)

ADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with