^

True Confessions

Ang magkapatid (141)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Umiiyak ang mama mo,” sabi pa ni Ada. ‘‘Mukhang hindi nakatulog kagabi dahil sa pag-aalala kung saan ka nagtungo. Ang akala nga niya e alam ko kung saan ka naroon. Kaya ang pangako ko sa kanya, hahanapin kita at kukumbinsihin na umuwi na. Sabi pa ng mama mo, hindi siya sanay na ang anak niya ay nagagalit sa kanya. Kaya ako ang nakikiusap, Gem, umuwi ka na. Please, naaawa ako sa mama mo…’’

“Mag-usap tayo ma­maya, Ada. Paglabas natin ng ospital.’’

“Sige. Kung gusto mo sasama ako sa inyo. Tatawagan ko lang si Kuya Ipe at magpapaalam na hindi ako uuwi dahil may pupuntahan tayo.’’

“Sige Ada.’’

Kinahapunan, nagkita sina Ada at Gemo sa lobby ng ospital. Sabay silang lumabas. Magkahawak ang kanilang kamay.

‘‘Gusto mo pumunta na tayo sa inyo, Gem? Para ma­aga tayong makarating sa Calamba. Para mawala na ang pagwo-worry ng mama mo.’’

“Sige. Pero totoo ba ang sinabi mo na wala na si Papa sa bahay.’’

‘‘Sabi ng mama mo, umalis na raw at hindi niya alam kung saan ito nagpunta.’’

“Hindi raw babalik?’’

“Wala namang sinabi.’’

“Sana hindi na. Hindi ko talaga siya mapapatawad. Ki­nawawa niya kami. Mas minahal pa niya ang kanyang kabit kaysa amin. Hindi ko lang malaman kung bakit sa kabila ng ginawa niya, e pinatawad pa ni Mama. Para bang walang ginawang kasalanan gayung iyak siya nang iyak noon. Halos gabi-gabi naririnig kong umiiyak, tapos ngayon, biglang sumulpot at pinatawad agad niya na parang walang anuman. Kaya masama ang loob ko. Ang sakit-sakit nang naranasan pero wala lang.’’

“Natanggap­ na kasi ng mama mo ang lahat at natutuhan na niyang magpa­tawad. Para sa kanya, ang nakalipas ay nakalipas na. Humingi ng tawad ang papa mo at pinagbigyan niya. Alam ko ang nara­ramdaman mo, Gem, ganyan din ang naramdaman ko at ni Kuya noon sa aking­ papa. Pero nagbago ang pananaw namin at pinatawad si Papa. Mahirap ang mayroong iniingatang galit. Humihingi naman ng tawad ang papa mo at nagsisi na rin siya. Alam mo kahit bali-baliktarin pa ang mundo, ama mo pa rin siya. Ang payo ko, patawarin mo na siya, Gem. Lalo pa nga at maysakit siya. Kapag nawala siya, baka mayroon kang dalhin sa dibdid. Mas mahirap yun.’’

Itutuloy

MAGKAPATID

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with