^

True Confessions

Ang magkapatid (139)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAG-ALALA si Ada sa pasya ni Gemo na hindi uuwi sa kanila dahil naroon ang ama.

“Gemo, baka mag-worry­ ang mama mo. Ka­wawa naman siya.’’

“Alam naman niya ang dahilan kung bakit hindi ako uuwi.’’

“Kausapin mo muna ang mama mo para hindi naman siya mag-alala.’’

“Saka na lang, Ada. Gusto ko munang mapag-isa. Hindi muna ako uuwi.’’

Hindi na nagsalita pa si Ada. Inunawa niya ang kasintahan. Noong sila ng Kuya Ipe niya ay nahaharap din sa kaparehong problema kung patatawarin ang kanilang papa, hindi rin nila alam ang ga­gawin.

“Mag-ingat ka Gemo.’’

“Salamat Ada. Huwag kang mag-worry sa akin. Kaya ko ito.’’

Pinisil ni Gemo ang kanang palad ni Ada.

KINABUKASAN, hindi inaasahan ni Ada na may tatawag sa kanya. Nasa bahay pa siya at papasok na sa ospital nang matanggap ang tawag ng mama ni Gemo.

Alalang-alala ang boses ng mama ni Gemo.

“Ada alam mo ba kung nasaan si Gemo? Hindi siya umuwi kagabi. Nag-aalala ako. Hindi naman siya sumasagot sa tawag ko.’’
“Hindi ko po alam kung nasaan siya, Tita. Pero nasabi nga po sa akin na hindi raw siya uuwi.’’

“May ideya ka ba kung saan siya natulog?’’

“Wala po siyang nasabi, Tita. Pinayuhan ko nga po siya na kausapin ka Tita pero ayaw po.’’

Natahimik ang mama ni Gemo. Mamaya-maya ay narinig ni Ada ang pag­hikbi.

“Hayaan mo Tita at  tatawagan ko siya mamaya at ipaaalam ko sa iyo kung ano ang pag-uusapan namin.’’

“Salamat Ada. Galit si Gemo dahil ayaw niyang tumira sa amin ang kanyang papa. Nagbalik kasi ang kanyang papa at hu­mingi ng tawad sa akin. Maysakit siya at kailangan ng tulong. Hindi ko naman siya matiis, Ada. Pero ako ang naiipit ngayon. Mahal ko si Gemo pero gusto ko rin namang patawarin ang kanilang papa na maysakit…’’

Nakikinig si Ada. Gusto niyang umiyak. Naaawa siya sa Mama ni Gemo.

(Itutuloy)

MAGKAPATID

Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with