^

True Confessions

Ang Magkapatid (137)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI sinagot ni Gemo ang tanong ni Ada kung patatawarin ang ama nitong nag-abandona sa kanila.

Hanggang tawagin na sila ng mama ni Gemo para kumain.

“Halika na, kakain na tayo. Paborito mo ang niluto ni Mama --- kare-kare,” sabi ni Gemo at marahan siyang hina­wakan sa palad at tinu­ngo nila ang mesang ka­inan.

Hindi na inulit ni Ada kay Gemo. Baka ayaw na nitong pag-usapan pa ang tungkol sa ama. Nakonsensiya tuloy si Ada. Bakit ba niya na­itanong pa iyon kay Gemo? Sana hindi na lang siya nagtanong ng ganoong topic. Hindi na siya magtatanong ukol doon. Natangay lang kasi siya dahil halos nagkakapareho ang nangyari sa kanila --- parehong inabandona ng ama. Ang pagkaka­iba lang ng papa niya ay naimpluwensiyahan ito ng ina samantalang ang papa ni Gemo ay nambabae sa Saudi. Iniwan sila dahil may ibang babae ang ama.

Hindi na siya magtatanong kay Gemo ng tungkol doon. Baka naapektuhan ang kasinta­han. Hindi na niya dapat dagdagan ang nadaramang galit ni Gemo sa ama nito, kung meron man pero sa ramdam niya, galit ito sa ama. Katulad din niya noon na matindi ang galit sa namayapang ama pero napatawad din niya. Ang ama ay ama kahit na bali-baliktarin ang mundo.

ISANG araw niyaya niya si Gemo na mag-pizza sila. Siya ang taya.

“Bagong bukas ang branch ng paborito kong pizza parlor, kain tayo,” sabi niya nang papalabas na sila ng ospital dakong hapon.

“Sige.’’

Tinungo nila ang pizza house na nasa isang ma­laking mall.

Wala pang gaanong customer kaya nakapili sila nang magandang pu­westo.

Si Ada na ang umorder.

Matapos umorder ay nagbiro si Ada.

“Kaya kong umubos kahit tatlong slice ng pizza. Gutom ako, Gemo. Kahit sabihin mong ma­takaw ako, okey lang. Basta kakain ako ng pizza at iinom nang ma­lamig na softdrink.’’

Walang reaksiyon si Gemo. Nakatingin lang kay Ada. Nanibago si Ada. Palabiro si Gemo at laging nagpapatawa kaya nagtataka si Ada.

“May problema aba Gem?’’ tanong niya.

Tumango si Gemo.

(Itutuloy)

MAGKAPATID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with