^

True Confessions

Ang Magkakapatid (136)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISINAMA ni Gemo si Ada sa kanilang bahay sa Calamba isang araw ng Linggo na pareho sila day-off. May bitbit na cake si Ada para sa mama ni Gemo.

Katamtaman ang bahay nina Gemo na nasa isang subdibisyon. Sabi ni Gemo, nabili iyon ng kanyang mama nang hulugan sa isang mag-asawa na nag-migrate sa Canada. Tamang-tama na nasa tapat naman ng bahay ang bahay ng kanilang lolo at lola. Nabayaran na ang bahay at lupa nang makatapos si Gemo at ang kapatid nito. Nagretiro na raw ang kanyang mama sa pagtatrabaho sa isang pabrika. Ang nakuhang separation pay ay itinabi na raw para pagtanda nito.

“’Ma si Ada po, nobya ko. Siya po ay nakatira sa dati nating lugar sa QC,” sabi ni Gemo sa ina at saka binalingan si Ada, “Ada si Mama’’

“Kumusta ka Ada? Ang ganda mo pala. Lagi kang kinukuwento ni Gemo sa akin, At saka alam ko na topnotcher ka sa Nursing board.’’

“Maraming salamat po. Ikaw po maganda rin,’’ at ibinigay ang cake na nasa kahon.

“Thank you Ada. Maupo ka. Iiwan ko muna kayo at maghahanda ako ng lunch natin. Nagluto ako ng kare-kare dahil sabi ni Gemo ay paborito mo raw.’’

“Naku, paborito ko nga po.’’

“Mga half an hour ay kakain na tayo. Magkuwentuhan muna kayo ni Gemo.’’

“Opo. Salamat po.’’

Nagtungo na sa kusina ang mama ni Gemo.

“Ang bait pala ng mama mo, Gemo.’’

“Oo. At gaya nang nasabi ko sa’yo, hanga ako sa mama ko. Nang iwan siya ni Papa, hindi siya nagmukmok bagkus ay nilakasan ang loob. Kailangang kumilos para sa aming mga anak niya. At hindi siya tumigil para kami mapagtapos sa pag-aaral. Malakas na babae si Mama. Akalain mo, nabili niya itong bahay dahil sa kanyang pagsisikap. Kahit iniwan kami ni Papa, hindi siya nagpatalo o umiyak man lang. Nagpakatatag siya.’’

“Kung magbalik ang papa mo, patatawarin mo?’’

Natigilan si Gemo. Hindi makasagot. (Itutuloy)

 

ANG MAGKAKAPATID

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with