^

True Confessions

Ang Magkapatid (108)

HAYUP SA GALING - Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“KAPAG napatawad mo siya, luluwag ang pakiramdam mo. Alam ko, matagal nang panahon na mayroon kang kinikimkim sa father mo. Panahon na para pakawalan mo ang kinikimkim mong ‘yan. Maniwala ka sa akin, kapag pinawalan mo ‘yan, gagaan ang iyong pakiramdam at maraming pagbabago ang mangyayari sa iyong buhay. Patawarin mo na ang iyong ama, John Philip.’’

Nanatiling nakatungo si Ipe o John Philip. Nagtatalo pa rin ang kalooban niya. Parang hindi ganun kadali ang sinasabi ni Sir Henry.

“Malay mo, mayro­on palang mabigat na dahilan kaya hindi kayo natulungan ng iyong ama. Mayroon palang pumipigil sa kanya. Kahit gusto niya, hindi magawa dahil may sumasansala. Dapat tingnan mo rin iyon. Bigyan mo siya ng pagkakataon.’’

“Sabi po ng mama ko, mahinang klase ang aking ama. Walang bayag. Takot sa kanyang mama. Dahil sa takot, natiis kaming pabayaan. Hindi man lamang nakagawa ng paraan.’’

“Mayroon talagang mga lalaki na nahihirapang magpasya. Madaling malito at maimpluwensiyahan. Ganunman, sabi ko nga, kahit ano pa ang nangyari, ama mo pa rin siya. Nangga-ling ka sa kanya at bali-baliktarin man ang mundo, hindi maitatangging siya ang ama mo.’’

Napahinga nang malalim si Ipe.

“Patawarin mo na siya, John Philip. Sundin mo ang payo ko. Hangga’t makakausap mo pa siya, gawin mo na ang payo ko. Kapag nawala siya, baka mayroon ka ring dala-dalahin sa isipan mo.’’

Napatango si Ipe.

“Salamat, John Philip.’’

 

KINABUKASAN, kinausap ni Ipe si Ada.

“Puntahan natin sa ospital si Papa.’’

Nagulat si Ada.

“Bakit Kuya?’’

(Itutuloy)

TRUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with