^

True Confessions

Ang Magkapatid (37)

#INTRIGA PA MORE - Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“WALA na kaming tatakbuhan ni Ada, Tita,” sabi ni Ipe. “Kailan po ang balik mo?’’

“Sa isang taon. Mag-ingat kayong dalawa ha. Sabagay, naniniwala naman ako na kayang-kaya n’yong mag-isa. Eto nga at nakaisip na agad kayo ng bagong pagkakakitaan. Tinalo n’yo pa nga ako.’’

“Kailangan po, Tita para tuluy-tuloy ang pag-aaral namin.’’

“Sige, ipagpatuloy n’yo ‘yan. Sa Facebook na lang at text tayo magkumustahan.’’

“Sige po Tita, good luck po,’’ sabi ni Ipe at humalik dito.

Niyakap ni Ada ang ninang at saka napa­iyak. Hindi rin napigilan ni Karla ang mapaiyak. Napamahal na sa kanya ang dalawang ito.

“Basta kung may problema kayo, ipaalam n’yo sa akin.’’

“Opo Tita. Salamat po.’’

NAGPATULOY ang buhay ng magkapatid. Lalo pang nagsikap si Ipe sa pagtatrabaho at pag-aaral. Matibay ang kanyang paniwala na magkakaroon ng katuparan ang kanyang pangarap na maging accountant at yayaman balang araw. Hindi niya nakakalimutan ang sinabi na babalikan niya ang matapobreng lumait-lait sa kanyang mama.

Wala siyang kapaguran. Gumigising siya ng madaling araw para mag-aral ng leksiyon. Mas pumapasok sa kanyang utak ang mga aralin kapag sa mada­ling araw nag-aaral.

Nakikita ni Ada ang ginagawa ng kanyang kuya at nakakadama siya ng awa rito. Kung naging mayaman sana sila o kaya hindi sila pinabayaan ng kanilang ama.        (Itutuloy)

ANG MAGKAKAPATID

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with