^

True Confessions

Ang Magkapatid (36)

GOTCHA - Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“PERO kapag mayroon kang assignment sa school, una­hin mo yun. Bitawan mo ang pagsi-xerox dahil mas prayoridad ang pag-aaral,” payo ni Ipe kay Ada.

“Oo Kuya. Siyem­pre mas priority ko ang pag-aaral.’’

“Kapag wala akong pasok sa fastfood at sa school, ako ang mag-oo­pe­rate.’’

“Oo Kuya.’’

“Kapag nasa high school ka na kaila­ngang nakatutok ka na sa studies mo. Gusto ko, makapasa ka rin sa entrance exam sa unibersidad na pi­na­pasukan ko para kaunti rin ang tuition fees.’’

“Nursing ang kukunin ko Kuya. Tala­gang yan ang gusto ko. Noon pa, yan ang pangarap ko.’’

“Kaya pagbutihan mo ang pag-aaral. Ga­gawin ko ang lahat para makapagtapos ka ng nursing. Kaya nga gagawin ko ang lahat para makatapos ng Accounting at makapagtrabaho para mag-aaral ka na lang nang mag-aaral. Hindi ka na kailangang mag-xerox pa o kaya ay magtinda.’’

“Gagawin ko ang lahat Kuya. Pagbubutihin ko ang pag-aaral at makatapos ng nursing.’’

“Malaki na ang suweldo ng nursing nga­yon. Baka makapag-abroad ka pa.’’

“Kapag nakapag-abroad ako, ibabalik ko lahat ang pinagpaaral mo Kuya at may interest pa, ha-ha-ha!’’

“Kahit na walang interest, puwede na.’’

“Siyanga pala Kuya, yung lalaking nakita mo sa fastfood, nakita mo uli?’’

“Hindi na.’’

“Ano nga kaya ang motibo ng lalaking iyon at laging nakasubaybay sa atin?’’

“Hindi ko nga alam.’’

“Di ba nasabi ko nun na baka si Papa ang nasa likod nang pagsubaybay ng lala­king ‘yun. Baka may gustong malaman o baka nais tumulong sa atin.’’

“Hindi natin kaila­ngan ang tulong niya. Tatayo sa sari­ling paa.’’

“’Yung kayang ma­tapobreng matanda, buhay pa?’’

Walang reaksiyon si Ipe. Wala siyang pakialam sa mata­po­b­reng matanda na uma­pi sa kanyang mama noon.

ISANG umaga, bi­nisita ni Karla sina Ipe at Ada. Mayroong ibinalita sa dalawa.

“Mag-a-abroad na ako next week,” sabi nito.

“Saan ka pupunta, Ninang?’’ tanong ni Ada habang nasa harap ng copying ma­chine.

“Sa Hong Kong, DH.’’

“Natuloy ka rin pala, Tita Karla.’’

“Oo. Wala na ka­sing pag-asa na ma­kakuha ng puwesto sa palengke.’’

(Itutuloy)

ANG MAGKAKAPATID

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with