Ang Magkapatid (35)
“ITO ang bago nating pagkakakitaan Ada,” sabi ni Ipe sa kapatid habang binubuksan ang kahon ng copying machine. “Huwag na nating asahan ang puwesto sa palengke dahil malabo na yun. Dito sa bago nating pagkakakitaan, sarili natin ang puwesto.’’
“Turuan mo akong mag-operate niyan Kuya.’’
“Oo, tuturuan kita. Paglabas mo sa school, ikaw ang mag-ooperate nito. Kapag day-off ko, ako naman.’’
“Tamang-tama ito Kuya dahil may bagong recruitment agency sa kanto. Nakita ko na maraming nag-aaplay.’’
“Oo, nakita ko. Kaya tiyak na marami tayong magiging customer.’’
“Saan ka kumuha ng pambili nito Kuya?’’
“’Yung pangtuition ko. Bago naman siguro duma-ting ng enrollment may kinita na tayo rito. Mura na kasi ang presyo nito kaya binili ko na.’’
“Oo Kuya, kaya nating kitain ang binili mo nito. Tiyak maraming magpapa-xerox dito.’’
“Sige, basta magtutulungan tayo kaya natin ang lahat.’’
“Oo Kuya.’’
Tinuruan ni Ipe si Ada sa pag-operate ng copying machine. Madaling matuto si Ada.
Unang araw na pag-ooperate nila, marami na agad nagpa-copy. Kara-mihan ay mga aplikante sa recruitment agency.
Tuwang-tuwa si Ada nang ibalita kay Ipe na marami siyang kinita.
“Ang dami kong kinita Kuya!’’
“Sabi ko na, patok ang negosyong ito.’’
(Itutuloy)
- Latest