^

True Confessions

Salome (62)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MANANG Sabel, sa­bihin ko kaya kay Mac ang mga nangyari. Mabuti na pong dalawa kayong nakakaalam,” sabi ni Salome na bakas sa boses ang pag-aalala.

“Mabuti pa Salome.’’

“Tatawagan ko po siya, Manang.’’

“Gawin mo na habang maaga, Salome. Mabuti nang malaman agad niya  ang mga nangyayari sa’yo.’’

“Opo.’’

Hindi na nag-aksaya ng panahon si Salome. Tinawagan niya si Mac. “Hello Mac?’’

“Salome. Anong problema at tumawag ka?’’

Ikinuwento ni Salome na kinumpronta siya ni Mam Pilar nang malaman nitong nag-aaral siya.

“Pinalalayas ako ni Mam Pilar. Magbalot-balot na raw ako. Masyado raw mataas ang pangarap ko.’’

“Tsk..tsk, masama talaga ang ugali ng asawa ni Daddy. Hindi ako masisisi kung bakit ganun na lamang pagkasuklam ko sa kanya,” sabi ni Mac at huminga. Maya-maya ay nagsalita.

“Anong sinagot mo sa ba­baing yun?’’

“Hindi na ako naka­sagot Mac sapagkat  big­lang dumating ang daddy mo at silang dalawa ni Mam Pilar ang nag-usap. Pinagtanggol ako ni Sir Hector. Mataas ang boses niya at nagtalo na sila. Pinaalis na ako ni Sir Hector para pumasok.’’

“Hindi ka na uli kinumpronta?’’

“Hindi na.’’

“Palagay ko may balak ‘yun. Mag-ingat ka.’’

“Siyanga pala, Mac, bi­nigyan na ako ng pang-tuition ng daddy mo. Kasi raw mawawala siya nang matagal.’’

“Saan daw pupunta?”

“Business trip daw.’’

Nag-isip si Mac.  Hinga lang nito ang narinig ni Salome.

Maya-maya ay nagsa­lita na ito.

“Masama ang kutob ko Salome. Mag-ingat ka sa asawa ni Daddy. Palagay ko, gagawin niya ang lahat para ka mapaalis. In case na may mangyari, tawagan mo ako.’’

“Oo, Mac.’’

Natapos ang pag-u­usap nila.

NATIYEMPUHAN ni Amy si Mam Pilar na hindi nag-casino. Agad niyang ipinakita rito ang mga kuha niyang pictures nina Salome at
Sir Hector habang ina­abot ang pera.

Galit na galit si Mam Pilar.

“Punyeta talaga!’

Nakangiti lang si Amy.

(Itutuloy)

EBOLA

WEST AFRICA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with