^

True Confessions

Black Widow (150)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

BINALIKAN ni Marie ang mga sinabi o payo sa kanya ni Jam noon na huwag nang mag-aasa­wa at baka mabiyuda ulit. Huwag na raw mag-asawa at baka madagdagan pa ang naranasang kalungkutan. Tama na raw ang tatlong lalaki na pawang namatay. Pero wala siyang kakutob-kutob noon na balang araw ang babaing nagpapayo sa kanya na huwag mag-asawa ay siya palang maghahatid sa kanya ng problema ngayon. Posible kayang kaya sinabi iyon ni Jam ay dahil magiging magkaagaw sila sa isang lalaki. Kaya siya tinatakot na baka mamatay muli ang magiging asawa ? Pero hindi pa naman nila kilala si Jose nang mga panahong iyon. Noon ay nasa isang kompanya pa sila at silang dalawa lamang ang tanging magkausap at nagsa-sabihan ng problema. Sa katunayan, ipinagsama pa siya sa isang manghuhula noon para malaman kung may posibilidad na mamatay muli ang ikaapat na mapapangasawa niya. Hindi naman iyon nasagot ng manghuhula. Ni hindi nga nasagot kung mag-aasawa pa siya.

Lahat nang sekreto niya ay alam din ni Jam. Alam nga nito na mayroon siyang nunal sa pusod. Ikinunsulta pa nga nila sa manghuhula ang ibig sabihin ng nunal sa gitna ng pusod pero hindi masagot ng manghuhula. Hanggang ngayon, nananatili pa ang maitim na maitim na nunal sa pusod ni Marie at hindi pa rin niya alam ang ibig sabihin niyon.

Hanggang ngayon din, hindi niya sinasabi kay Jose na may nunal siya sa pusod. At nagdadalawang-isip siya kung sa-sabihin iyon kay Jose.

“O anong iniisip mo, ang traidor mo pa ring kaibigan?’’ tanong ni Jose habang magkatabi sila sa higaan.

‘‘Hindi!’’

“E anong iniisip mo?’’

“Mayroon akong hindi pa nasasabi o naipagtatapat sa’yo, Jose.’’

Napatingin nang seryoso ang lalaki.

“Ano ‘yun? Mabigat ba?’’

“Hindi naman,’’ sabing nakangiti ni Marie.

“Ano nga?’’

“Meron akong nunal sa pusod.’’

‘‘Ano? Nunal?’’ Tanong ni Jose at napahagalpak ng tawa. Hindi matapos ang tawa. Para bang hindi makapaniwala.

‘‘Meron nga! Gusto mong tingnan?’’

Tumigil sa pagtawa si Jose.

‘‘Paano ko makikita e madilim.’’

“E di buksan mo ang ilaw.’’

Binuksan ni Jose ang lampshade.

‘‘O tingnan mo!’’ sabi ni Marie.

Tiningnan ni Jose. Nakamulagat.

‘‘Oo nga! Pambihira ito, Marie. Talagang para tayo sa isa’t isa.’’

‘‘Bakit mo nasabi?’’

‘‘Kasi’y may nunal din ako sa pusod. Eto tingnan mo!’’

Tiningnan ni Marie.

‘‘Oo nga! Magkamukhang-magkamukha!’’

Nagkatinginan ang dalawa. Anong hiwaga ang nakabalot sa mga nunal nila?

LINGID kina Marie at Jose, masama na ang iniisip ni Jam para makaganti. Pangingidnap na ang plano nito.

(Itutuloy)

ACIRC

ANG

ANO

HANGGANG

HINDI

JOSE

MERON

NGA

NUNAL

OO

PERO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with