^

True Confessions

Black Widow (146)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HAYOK na hayok. Iyon ang pagkakalarawan ni Jose kay Jam dahil sa ginagawa nitong paghalik sa kanya. Pakiramdam ni Jose, uhaw na uhaw at tigang na si Jam. Sa kauhawan, halos sakmalin na ang labi ni Jose. Pero sa kabila niyon, may hatid na kiliti kay Jose. May nanulay na mahinang kuryente ang ginagawa ni Jam at naghahatid ng init. Natatangay siyang dahan-dahan sa paghalik ni Jam. Ginagantihan na niya ang paghalik ni Jam at nasasarapan siya? Ano ba itong nangyayari sa kanya? Hindi dapat ang nararamdaman niyang pagkatangay sa babaing ito na magulo ang isipan at walang direksiyon sa buhay.

Hindi siya dapat magkaroon ng ugnayan dito! Hindi dapat! Si Marie lamang ang dapat niyang pag-ukulan ng pagmamahal. Si Marie lamang ang babae para sa kanya! Hindi siya dapat sumira sa pangako kay Marie. Malapit na silang magpakasal.

Iglap, itinigil niya ang pagganti sa marahas na labi ni Jam.

Hanggang sa kusang tumigil si Jam. Unti-unting bumitaw ang mga labi. Nawala ang pagkakahinang.  At nang tingnan ni Jose si Jam. Tulog na tulog na ito! Wala nang pakiramdam!

Nakahinga nang maluwag si Jose. Muntik na siya! Muntik na siyang mahulog sa kumunoy ng kasalanan! Makakatakas na rin siya sa babaing ito.

Hindi niya binibitiwan si Jam sa pagkakaupo nito sa kanyang kandungan. Nag-iisip siya kung paano ito dahan-dahang ibababa sa sopa para tuluy-tuloy ang tulog. Kailangang inga­tan niya ang pagbababa nito upang hindi magising. Kapag nagising ito, tiyak na hindi siya paaalisin.

Dahan-dahan niyang inilapag si Jam sa sopa. Nakayakap pa ang kaliwang braso nito sa kanyang balikat. Dahan-dahan niyang inalis ang nakayakap na braso. Wala pa rin itong kakilos-kilos. Talagang matindi ang pagkalasing. Hanggang sa naiayos niya ang katawan nito.

Kumilos na siya para umalis. Paggising ni Jam, wala na siya.

Nang lalabas na siya nang may maisip. Gumawa siya ng sulat para rito. Sinabi niya sa sulat: Huwag mo na kaming pakialaman ni Marie, please.

Inilagay niya ang sulat sa mesita.

Mabilis na siyang lumabas. Dahan-dahang isinara ang pinto.

Siguro naman, hindi na sila pakikialaman ni Jam kapag nabasa ang sulat. Maaaring matapos na ang problema nila ni Marie.

(Itutuloy)

ACIRC

ANG

DAHAN

HANGGANG

HINDI

JAM

MUNTIK

NIYA

SI MARIE

SIYA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with