^

True Confessions

Black Widow (133)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“AKO nga si Marie na kaibigan ni Jam,” sabi ni Marie. Sa tingin niya, bumata at gumuwapo si Pete.

“Kumusta ka Marie?’’

“Mabuti naman. Ikaw? Kayong mag-aama?”

“Okey na okey. Wala nang problema. Yung dalawang bata, nag-aaral at parehong honor student. Yung ka­sing ka-live in ko, e dating teacher kaya nasusubaybayan. Happy ako, Marie. Very happy.’’

“Nakikita ko nga sa face mo, Pete. Bumata ka nga at gumuwapo, he-he-he!”

“Thanks. Gusto mo magmeryenda muna tayo. Para ma­kapagkuwentuhan pa tayo.’’

“Sa ibang araw na lang Pete. May naghihintay sa akin.’’

“Ka-date?’’

“Oo.”

“Di ba biyuda ka?”

“Oo. Pero malapit na uli akong mag-asawa. Ikakasal na kami ng magiging hubby ko.’’

“Talaga, congrats. Palagay ko maligaya ka rin dahil maganda ka at bumata rin.’’

“Ha-ha-ha! Gu­ma­ganti ka ha?’’

Nagtawa si Pete.

“Gusto mong makarinig kahit kaunti sa dating wife mo?’’

Napangiti si Pete.

“Anong magandang nangyari sa kanya?’’

“May trabaho na uli siya at maganda ang trabaho. Dito rin siya sa Makati.’’

“A mabuti naman. Siguro naman nag­bago na.’’

Napangiti si Marie.

“May bago na ring asawa siguro?’’

“Wala. Pero mayroong pinapan­tas­ya.’’

Nagtawa si Pete.

“No wonder. Hindi siya maaaring ma­buhay na walang ka­ulayaw. Kailangan ay mayroon siyang lalaki.’’

Nakatinging masusi si Marie kay Pete. Tama ang sinasabi nito.

“Payo ko sa’yo Ma­rie, mag-ingat ka sa kaibigan mo.’’

“Bakit Pete?’’

“Basta mag-ingat ka sa kanya. Kahit kaibigan ka niya, puwede ka niyang tuklawin.’’

Kinabahan si Marie.

(Itutuloy)

ACIRC

BAKIT PETE

MARIE

NAGTAWA

NAPANGITI

OO

PERO

PETE

SHY

WALA

YUNG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with