Black Widow (131)
“KUNG magpakasal na kaya tayo Marie,” sabi ni Jose. “Huwag na nating pagtagalin pa ito. Mas mabuti kung magkasama na tayo araw-araw.’’
“’Yan din sana ang sasabihin ko sa’yo, Jose.’’
“Kailan mo gusto? Kahit bukas puwede ako. Civil wedding lang naman.’’
“Huwag naman bukas. Kahit civil lang gusto ko nakahanda rin kahit paano. Next month na lang.’’
“Aprub sa akin. Pero, ayaw mo ba talagang magpakasal tayo sa simbahan. Gusto ko sana Manila Cathedral.’’
“Huwag na, okey lang sa akin ang civil wedding. Bukod sa makakatipid tayo, hindi pa tayo mapapagod.’’
“Sige. Ikaw ang masusunod.’’
“Salamat, Jose. Ang bait mo talaga.’’
“Gusto ko wala tayong pagtatalunan o pagdedebatehan. Marami na akong natutuhan sa pakikipagrelasyon at gusto ko maging perpekto ang ating pagsasama.’’
“Sabi walang perpektong pagsasama.’’
“Patutunayan kong mali iyon. Tayo ang una, ha-ha-ha!”
“Pero alam mo, Jose, natatakot pa rin ako.’’
“Saan ka natatakot? Yung tungkol sa hula na mamamatay ako?”
“Oo. Kasi kung mangyayari uli iyon baka mamatay na rin ako sa labis na sama ng loob.’’
“Hindi mangyayari yun, Marie. Ang lahat nang nangyari sa’yo ay nagkataon lamang. Walang makapagsasabi kung hanggang kailan ang buhay ng tao.’’
“Sana nga Jose.”
“Nagkataon lamang ang mga nangyari sa’yo.’’
Napangiti si Marie. Pinalalakas siya nang pagiging positibo ni Jose.
“Pero yung sinabi mo kanina na parang may binabalak o iniisip sa atin si Jam, ano sa palagay mong balak yun.’’ “Maaaring nag-iisip siya nang paraan para hindi matuloy ang ating kasal!”
Nanghilakbot si Marie.
(Itutuloy)
- Latest