Black Widow (59)
“SALAMAT sa papuri mo Jose,” sabi ni Marie makaraang sabihin ni Jose na hindi siya mukhang biyuda at parang dalaga pa.
‘‘Kailan ka nabiyuda, Marie?’’
‘‘Isang taon na ang nakalilipas. Medyo masakit pa nga.’’
‘‘Sorry, naipaalala ko tuloy ang tungkol sa husband mo.’’
‘‘Okey lang.’’
‘‘Anong ikinamatay?’’
“Atake sa puso. Bata pa siya nang mamatay, 45 lang.’’
“Pabata nang pabata ang namamatay ngayon ano?’’
“Oo nga. Hindi katulad noon. Ang lolo ko raw nang mamatay ay 99 years old.’’
“Ah wala sa lolo ko ‘yan. Nung mamatay ang lolo, 109 years old.’’
‘‘Parang narinig ko na ‘yan, he-he-he!’’
“Totoo nga Marie, 109 nga nang mamatay ang lolo ko.’’
“Nasa lahi raw ang mahaba ang buhay.’’
‘‘’Yung lolo ko kasi malapad ang taynga.’’
“Totoo ba yun na kapag malapad ang taynga ay mahaba ang buhay?’’
“Naniniwala ako. Kasi nga 109 si Lolo. At alam mo, matalas pa ang memorya niya. Malinaw pa ang mga mata.’’
‘‘Talaga?’’
‘‘Hanga nga ako kay Lolo.’’
“Paano siya namatay?’’
“Basta nagisnan na lamang daw na patay na. Namatay habang natutulog.’’
“Kakainggit ang mahahabang buhay ano?’’ sabi ni Marie.
“Oo nga. Sana matulad ako sa lolo ko.’’
‘‘Nasa lahi nga raw iyan. Ito sigurong mga naging husband ko e maiikli ang buhay ng mga ninuno kaya maagang yumao.’’
Napamaang si Jose sa sinabi ni Marie.
‘‘Mga naging husband? Bakit mga naging husband?’’
Biglang napatawa si Marie. Naitapal ang kanang palad sa bibig. Nang magsalita ay natatawa pa.
‘‘Kasi’y tatlong beses na akong nabibiyuda.’’
“Tatlong beses ka nang nabibiyuda?’’
“Oo. Black widow nga ang tawag sa akin.’’
(Itutuloy)
- Latest