^

True Confessions

Black Widow (46)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MAAGA pa kasi. Kinse minutos pa bago ang dismissal ng klase nina Pau. At mali-late pa dahil may idi-distribute na libro ang adviser.

Iginala muli ni Marie ang paningin sa buong waiting­ area. Wala talaga ang lalaki o ang father ni Iya. O baka naman naatrasado lang?

Subalit nag-eksaktong 12:00 ng tanghali ay hindi niya nakita ang anino ng lalaki.

Maya-maya pa, may nakita siyang estudyante na naglalabasan. Maaaring paparating na rin si Pau.

Pero hindi si Pau ang nakita niyang lumalabas kundi si Iya, ang anak ng lalaking nakakuwentuhan niya.

Sinundan niya ng tingin si Iya. Luminga-linga ito. Hinahanap marahil ang ama. Nagtataka kung bakit wala pa ang ama. Nakita niya sa mukha ni Iya ang matinding pag-aalala. First time siguro na hindi dumating sa oras ang ama. At parang iiyak na si Iya. May luha nang umaagos sa mga mata.

Hanggang may tumawag kay Marie na ikinagulat niya.

“Mama!” Si Pau. Mabigat ang dala nito sa bag. Pa­wang libro.

Kinuha ni Marie ang bag ni Pau.

“Kanina ka pa Ma?’’

“Hindi. Kararating ko lang.’’

“Tayo na Mama! Di ba kakain tayo tapos ay ibibili mo ako ng sapatos?’’

“Oo. Di ba pangako ko sa’yo?’’

“Yes!’’

Pero hindi mapa­kali si Marie. Paano si Iya? Wala pa itong sundo.

Dumaan sila sa tapat ni Iya. Nakita ito ni Pau. Nagbatian ang dalawa.

“Sinong hinihintay mo Iya?’’

“Si Daddy pero wala pa.’’

“Nasaan daw?’’

“Hindi ko alam, Pau.’’

“Baka hindi ka na susunduin?’’

Lalong nangamba si Iya. Bakas ang takot.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

DUMAAN

HINDI

IYA

NAKITA

PAU

PERO

SI DADDY

SI PAU

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with