^

True Confessions

Black Widow (5)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NGAYON lamang napag-iisipan ni Marie ang mga nangyari sa kanya. Nang una siyang mabiyuda kay Franco, wala siyang na­isip na anuman kung bakit nangyari iyon. Nahirapan siyang tanggapin pero naisip niya siguro’y hanggang doon lang talaga ang pagsasama nila. Namatay si Franco nang bangungutin ito sa Saudi Arabia. Hindi sila nagkaanak ni Franco.

Hanggang sa makilala niya si Jonathan at naging asawa niya. Pagkaraan ng 10 taong pagsasama, namatay din si Jonathan. Nabiyuda na naman siya. Pero hindi pa rin siya nag-iisip o nagtatanong man lang kung bakit nangyari na naman iyon.

Nito na lamang mamatay si Mark saka niya napag-isip-isip ang lahat nang nangyari na tuwing 10 taon lagi nangyayari ang lahat. Nagkataon nga lang kaya iyon?

Hindi kaya mayroong sumumpa sa kanya? Pero sino naman ang susumpa sa kanya? Wala siyang ginagawang masama sa kapwa. Baka mayroong kumulam sa kanya? Napailing si Marie. Hindi siya naniniwala sa kulam. Hindi totoo ang mga karunungang lihim.

Nasabi niya iyon minsan sa kanyang nanay --- kay Aling Melda. Pero wala naman itong masabi sa nangyayari sa kanya. Para sa kanyang nanay, ang mga nangyaring pagkamatay ng kanyang mga asawa ay talagang na­katadhana na. Hindi rin naniniwala ang kanyang nanay sa mga kulam o mga sumpa-sumpa. Walang ka­totohanan ang mga ito, sabi ni Aling Melda.

Maski ang kanyang ka­patid na babae – si Francine ay hindi rin naniniwala sa mga sumpa-sumpa. Ang pinaniniwalaan ni Francine ay kapag may nunal ang lalaki sa tapat ng ilong o bahaging hingahan ay laging nabibiyudo. Palatandaan daw iyon na laging mabibiyudo. Pero sa babaing nabibiyuda ay wala siyang alam na pala­tandaan.

Hanggang sa masabi rin niya iyon sa kaopisinang si Jam. Interesado si Jam sa mga nangyayari sa kanya. Gustung-gusto nitong pag-usapan ang pagiging mabiyudahin ni Marie. Lalo pa nga sa punto na kung may susunod pang mamamatay pagkaraan ng asawa nitong si Mark.

Hanggang may maisip si Jam.

“Gusto mong magpahula, Marie?’’

“Hula?’’

“Oo. Para malaman natin kung may susunod ka pang biktima, hehehe!’’

“Puro ka biro.’’

“Totoo, Marie. May kilala akong fortune teller. Wala namang mawawala kung sakali.’’

“Magkanong pahula?’’

“Mura lang yun? Ano puntahan natin. Nasa Sta. Cruz lang yun – sa may Soler.’’

Nag-isip si Marie.

“Sige,” sabi nito. “Naguguluhan na rin ako sa ka­iisip kung bakit nangyayari ito sa akin.’’

Isang araw, nagtungo sila sa manghuhula sa Sta. Cruz.

(Itutuloy)

ACIRC

ALING MELDA

ANG

CRUZ

FRANCINE

HANGGANG

HINDI

MGA

NASA STA

PERO

SAUDI ARABIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with