Kastilaloy (Wakas)
DUMATING si Carmina sa bahay nina Garet. Tamang-tama na pinaplano na nina Garet at Gaude ang planong pagpapakasal.
“O ako ang ninang ha? Mabuti nang nalalaman n’yo habang maaga,’’ sabi nito at niyakap si Garet.
“Tita kahit hindi mo sabihin, ikaw talaga ang isa sa mga ninang. Ikaw pa ba ang malimutan namin?’’
“Salamat, sweetheart. Kailan ba?’’
“Next month na Tita.’’
“Wow ang ganda-ganda mo siguro. Bagay na bagay kayo nitong si Gaudencio, ha-ha-ha!’’
“Excited na nga ako Tita.’’
“Nakikita ko nga sa mukha mo. Maligayang-maligaya ka.’’
“Pati si Mama, tuwang-tuwa rin. Gusto na rin kasing magkaapo.’’
Nilapitan ni Carmina si Mama Julia na nakaupo sa sopa. Sila ang nagkuwentuhan sa nalalapit na pagpapakasal nina Garet at Gaude.
Hanggang sa madako ang usapan sa malalim na bagay.
“Salamat sa ginawa mo sa aking anak, Carmina. Nang magkahiwalay kami, ikaw ang gumanap na ina niya.’’
“Para ko na rin siyang anak, Julia.’’
“Patawarin mo ako sa mga kasalanang ginawa ko sa’yo. Marami akong kasalanan sa’yo at ngayon ako humihingi ng tawad,” sabi ni Mama Julia at hinawakan sa braso si Carmina.
“Kalimutan mo na yun. Nakalimutan ko nang lahat iyon at nakabangon na ako.’’
“Salamat Carmina. Maraming salamat.’’
ISANG hapon, namasyal sa isang parke na nasa loob ng isang mall sina Gaude at Garet. Magkawak-kamay sila.
“Excited na ako sa kasal natin Garet.’’
“Ako man, Gaude.’’
“Excited na ako sa honeymoon. Kailangang mabigyan na natin ng apo sina Mama Julia at Tita Carmina. Kailangang mag-obertaym, ha-ha-ha!’’
Kinurot ni Garet si Gaude. Nagtawa si Gaude.
(Bukas, abangan ang bagong nobela ni Ronnie M. Halos.)
- Latest