^

True Confessions

Kastilaloy (184)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“’YAN nga ang binabalak ko, Gaude. Tulungan mo ako! Maraming beses mo na akong tinulungan at siguro last na itong tulong na hi­hi­ngin ko.’’ Pakiusap ni Garet.

‘‘Kahit di mo ‘yan sabihin sa akin, talagang tutulungan kita. Lahat nang tulong na maaari kong maibigay ay gagawin ko para sa iyo.’’

“Napakabuti mo, Gaude. Mababayaran din kita sa kabutihan mo sa akin.’’

“Huwag mong intindihin ang bayad-bayad. Basta sa­samahan kita kahit saan ka pumunta.’’

“Salamat. Malakas kasi ang kutob ko na nasa loob ng aming bahay si Mama. Bihirang magkamali ang kutob ko.’’

“Paano kung nasa loob nga at patay na? Inilibing nga roon ni Geof?’’

“Siguro matatanggap ko na kung ganoon man ang nangyari. Nakahanda na ako, Gaude.’’

“Sige, iplano natin ang pagpasok sa bahay. Kailan mo gusto?’’

‘‘Bukas ng gabi.’’

“Teka, paano natin mapapasok e di ba naka-padlocked na? Banko na ang nagkan­dado dahil naremata na.’’

“May sekretong daanan ang aming bahay sa likod. Ipinagawa iyon ni Papa noon in case of emergency. Palibhasa’y lawyer si Papa, alam niya ang mga gagawin. Si Papa, Mama at ako lang ang may alam niyon. May sarili kaming susi.’’

“Hindi ko ma-imagine ang secret door na sinasabi mo.’’

“Ang lote kasi ng aming bahay ay tagusan sa kabilang kalye. May gate din pareho. Pero hindi ginagamit ang gate sa likod. Bihirang buksan ang gate na yun.’’

“Alam ko na ang ibig mong sabihin. Isang buong lote na sinakop ang kabilang block.’’

“Oo.’’

“Sasabihin pa ba natin kay Tita Carmina ang balak natin?’’

“Oo. Dapat alam niya ang mga hakbang natin. Marami siyang maipapayo ukol sa gagawin natin.’’

Sinabi ni Garet kay Carmina ang balak. Walang pagtutol si Carmina.

 

KINABUKASAN ng gabi, pinasok na nina Garet at Gaude ang bahay. Madali lang nabuksan ang sekretong gate. Pumasok sila. Kabisado ni Garet ang kinaroroonan ng switch ng ilaw. Binuksan niya. Nagliwanag. Malinis pa rin sa loob kahit naabandona, hindi halatang walang nakatira.

“Halika sa loob, Gaude.’’

(Itutuloy)

ACIRC

ALAM

ANG

BANKO

BIHIRANG

BINUKSAN

CARMINA

GARET

OO

SI PAPA

TITA CARMINA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with