^

True Confessions

Kastilaloy (181)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGKAMALAY na si Geof. Nagmakaawa ito kina Carmina at Gina na patawarin na. Nasa harap ni Geof ang dalawa.

“Patawarin n’yo ako! Maawa na kayo sa akin!” Sabing sumi­sigaw ni Geof. May dugo sa mukha dahil sa palo ni Gina.

“Sa presinto ka na magpaliwanag. Paparating na ang mga pulis,” sabi ni Carmina.

“Huwag po, parang awa mo na Mam Carmina. Ayaw kong makulong! Patawarin mo na ako!’’

Biglang sumabat si Gina.

“Huwag Ate, huwag mong patatawarin ‘yan. Masamang tao yan. Niloko niya ako.’’

“Hindi ko ito patatawarin, Gina. Mabubulok sa bilangguan ang taong ito!’’

“Huwag, maawa kayo sa akin! Maawa kayo sa akin.’’

Hanggang maka-rinig sila na may nagbubukas ng gate. May dumating.

“Tingnan mo kung sino ang dumating, Gina. Baka mga pulis na ‘yan. Babantayan ko ang taong ito.”

Lumabas si Gina. Sina Garet at Gaude ang dumating.

“Anong nangyari, Gina?”

“Nahuli po namin si Geof! Nasa kuwarto po ni Ate. Itinali na­min!”

Napasugod sila sa kuwarto.

Nang makita ni Garet si Geof ay galit na galit itong sinugod at pinagtatadyakan at pinagsusuntok. Hinayaan nina Carmina si Garet. Dapat nitong mailabas ang galit sa taong naging dahilan nang pagkakalayo nilang mag-ina.

“Hayup ka nasaan ang mama ko? Nasaan si Mama?”

“Hindi ko alam, Garet! Hindi ko alam!”

Lalo lang nagalit si Garet at pinagsisipa si Geof.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

CARMINA

GARET

GEOF

GINA

HUWAG

HUWAG ATE

MAAWA

MAM CARMINA

PATAWARIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with