^

True Confessions

Kastilaloy (22)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“IPINAGMAMALAKI ko si Mama na kahit inapi siya ng mga Polavieja ay hindi siya sumuko o nawalan ng pag-asa. Mag-isa niya akong pinalaki at pinag-aral. Kung sa iba lang babae nangyari ang ganoon na iniwan ng asawa, baka kung ano ang gawin. Matatag si Mama. Kakaibang babae. Hanga ako kay Mama,” sabi ni Carmina. “Siya yun o. Yung naka-frame ang picture.

“Ah. Maganda  po pala siya.’’

“Oo. Kung naging pa­ngit siya e di lalo nang nilait-lait siya ng mga Polavieja. Yun nga lang walang kabuhayan na maitapat sa mga Polavieja.’’

“E Tita, bukod po sa ka­­kaibang sakit ni Lolo Dionisio o Kastilaloy, ano pa pong masamang ugali meron siya?’’

Napaismid si Carmina.

Nang magsalita ay may bigat. “Tamad siya! Bum. Gusto’y laging nakadepende sa magulang. Istrikto pero siya ay hindi kayang disiplinahin ang sarili. Kung ano ang isulsol ng magulang o kapatid ay agad pi­naniniwalaan.’’

“Hindi po siya nagkaroon ng trabaho kahit minsan?”

“Sabi ni Mama, walang balak gumawa si Papa. Laging nagpapalaki ng balls. Gusto’y manghihingi lang sa mga magulang palibhasa mayaman.’’

“Ano pong bisyo niya?’’

“Umiinom ng alak.’’

“Naninigarilyo?’’

“Hindi ako sure.’’

Natahimik sila.

Maya-maya may tinanong si Garet.

“Tita gusto mo bang makita ang libingan niya?’’

“Alam mo ang libingan niya?”

“Opo. Natagpuan ko po.”

“Galing mo ah.’’

“Kasi nga po’y nahiwagaan ako sa kanya. Gusto ko malaman ang buhay niya.’’

“Ngayong alam mo na, titigil ka na?’’

“Baka hindi pa po, he-he-he. Meron pa kasing mga hiwaga.’’

“Sabagay, wala namang masama.’’

“Gusto mong makita ang libingan niya?”

Umiling.

Hindi na nagtanong si Garet.

Hanggang sa magpa­alam na siya kay Carmina.

“Salamat Tita. Puwede ba kitang dalawin uli?”

“Oo naman. Sige, magkuwentuhan uli tayo.’’

Umalis na si Garet.

Nang dumating si Garet sa bahay nila, wala ang mama niya. Nagta­taka siya kung bakit laging ginagabi ang mama niya.

(Itutuloy)

CARMINA

E TITA

GARET

LOLO DIONISIO

NANG

NIYA

OO

POLAVIEJA

SIYA

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with