^

True Confessions

Kastilaloy (10)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINAWAKAN ni Garet ang kandado ng gate ng musoleo ni Kastilaloy. Bakit kaya kinandado? Nang hu-ling dumalaw siya rito, may dalawang buwan na nakararaan ay wala namang kandado. Malaki ang padlock na parang mahirap ma­baklas. Mukhang matibay na matibay ito hindi mapagtatangkaang pasukin.

Napansin din ni Ga­ret ang mga dahon ng punongkahoy na nakakalat sa bakuran ng musoleo ni Kastilaloy. Pawang tuyo na ang mga dahon. Ibig sabihin matagal na ring naka-padlock ang musoleo. May mga tumubo na ring damo sa paligid. Palatandaang walang dumadalaw! Bakit kaya?

Ipinasya ni Garet na maghintay. Baka may taong dadalaw sa libingan ni Kastilaloy.

Ipinasya niyang umupo sa pasamano ng pader na kinakakabitan ng iron grills. Hindi pa naman gaanong mainit. Kaya pa niyang tagalan ang init.

Pero nakakalahating oras na siya ay wala pang taong dumarating para dumalaw.

Tumayo siya at mu-ling pinagmasdan ang musoleo. Bakit nga kaya isinara ang gate? Ibig kayang sabihin, matatagalan bago ito dalawin muli? O baka wala nang balak dalawin dahil nagawa na ang dapat para kay Kastilaloy? Wala nang dapat aksayaing oras sa libingan ng matanda. Posibleng ganun.

Ipinasya na ni Garet na umalis. Hinayang na hinayang siya dahil hindi man lang nasilip ang nitso ni Kastilaloy. Pero magbabakasakali muli siya. Baka mati-yempuhan niyang may dumadalaw.

Nang ikuwento niya kay Mama Julia ang pangyayari, maski ito ay nagulat. Sinermunan muna si Garet.

“Akala ko ay ayaw mo nang dalawin ang libingan ni Kastilaloy?”

“Hindi ko matiis, Mama.’’

Napaismid si Mama Julia.

Pero hindi rin naka­tiis. Nagtanong din ukol sa nangyari.

“Bakit kaya pinadlock?”

“Hindi ko alam, Ma­ma.”

“Baka naman nasa loob ng musoleo ang mga alahas?’’

Nagtawa si Garet.

“Bakit naman itatago yun sa musoleo e mahalaga yun?’’

“Malay mo. Yung iba nga nagpapabaon ng pera sa patay eh!”

“Palagay ko Mama, matagal bago uli dadalawin ang libingan. Si-guro nangibang bansa o baka sa ibang bansa na maninirahan ang taong nagpalibing kay Kastilaloy.’’

Napatangu-tango si Mama Julia.

“Pero babalik uli ako Mama. Baka ma­kita ko ang taong nag­palibing kay Kastilaloy.”

“Bahala ka na nga, Margarita!”

(Itutuloy)

BAHALA

BAKIT

GARET

IBIG

IPINASYA

KASTILALOY

MAMA JULIA

NANG

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with