^

True Confessions

Sinsilyo (243)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“PERO wala ka bang nahalata kay Lyka, Mau? Wala ka bang naramdaman na nakikipagre­lasyon ito sa matandang hukluban?’’ Tanong ni Lolo Kandoy.

“W-wala naman po T-tatang K-kandoy. K-kasi nga ay m-madalang akong u-umuwi. K-kung minsan, isang b-beses lang sa isang buwan ako kung u-umuwi. M-marami kasi k-kaming lugar na pinupuntahan dahil nga treasure hunter ang boss ko. S-sa M-min­doro nga ang pinaka-mara­ming nahukay na ginto.’’

“Pero nagtatalik pa kayo ni Lyka?”

“Oo n-naman po, Tata. M-mahilig po si Lyka. Nympho po yata yun.’’

“Nimpo? Anong nimpo?’’

Si Gaude ang nagpaliwanag, “Ang nympho po ay yung babae na may ma­tinding pagkagusto sa pagtatalik, Lolo. Gusto po ng nympho ay laging makikipagtalik. Kahit po pagod na ang lalaki ay gusto pa rin ng nympho.”

“Ah yun pala ang nimpo. Kaya pala la­ging nagtutungo si Lyka sa kuwarto ni Kastilaloy. Nagtatagal doon si Lyka. Kapag nagsawa sa kuwarto ni Kastilaloy, doon naman sa kuwarto n’yo, Mau. Grabe pala ang babaing iyon. Sinasaid ang katas!”

Napangiti si Gaude.

“S-suko rin ako sa babaing ‘yun, Tata Kandoy. M-matindi ang pagkagusto sa sex.”

“Umubra kaya si Kastilaloy kay Lyka e palagay ko hihinga-hingal na ang matandang iyon.’’

“B-baka n-naman p-po si L-lyka ang nasa iba­baw.’’

Napatangu-tango si Tata Kandoy. Nakatingin lang si Gaude sa matanda. Naisip niya, kaya pala ganoon na lamang ang panunukso sa kanya ni Lyka. Kung hindi siya nagpigil at inaalala ang kahahantungan kung papatol kay Lyka, baka natikman din niya ito. Mabuti na lamang at marunong siyang magkontrol. Sira na sana ang buhay niya. Baka kinaladkad na siya ni Lyka sa impiyerno. Siyempre, kung pinatulan niya tiyak na paulit-ulit niya itong titikman. Hanggang sa tuluyan nang masira ang kanyang kinabukasan.

“O anong iniisip mo Gaude?” tanong ni Tata Kandoy.

“Wala po. May naaalala lang.’’

“Si Lyka rin ang naisip mo ano?’’

Tumango si Gaude.

“N-nagbigay s-sa atin ng p-problema ang ba­baing ‘yun,” sabi ni Mau. “K-kasalanan ko ang lahat. Hindi ako nag-isip nang damputin siya sa isang KTV. Akala ko kasi, magbabago, yun pala pati ako ay papatayin.’’

“Pero naging sunud-sunuran ka rin sa kanya ano, Mau?” tanong ni Lolo Kandoy.

“Opo. M-malakas kasi ang pang-akit ni Lyka.’’

“Kumusta na kaya sa bilangguan si Lyka?”

“D-dun na po mabubulok ‘yun, Tatang Kandoy. Mabigat ang kaso niya.”

ISANG araw, may ibinalita si Gaude kay Mau. Noon ay nana­nauli na ang katawan ni Mau. Bumabahaw na ang mga sugat. Tuwid na rin itong magsalita.

“Tito Mau, patay na si Lyka!”

“Ha?”

“Nagbigti raw po sa selda!”

(Itutuloy)

KANDOY

KASTILALOY

LOLO KANDOY

LYKA

MAU

PERO

SHY

SI GAUDE

TATA KANDOY

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with