^

True Confessions

Sinsilyo (218)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“BASTA yung sinabi ko, Tatang Dune, huwag mo akong isasabit. Wala akong alam d’yan!” Sabing muli ni Lyka habang nakatingin sa matanda.

“Oo. Hindi ka sasabit. Si Gaude lang ang pagbi-bintangan dito. Madidiin nang husto si Gaude dahil mayroon akong gagawin para siya ang ituro, he-he!’’

“Paano Tatang? Anomg gagawin mo?’’

“Hindi ko sasabihin at baka lang mabulilyaso. Aba-ngan mo na lang ang gagawin ko, Lyka.’’

“Sige Tatang. Kailangan sure ball ha?”

“Oo. Sigurado, he-he!’’

Pagkatapos magsalita si Kastilaloy ay may ibinulong kay Lyka.

“Advance uli? Saka na lang Tatang!’’

“Kahit sandali lang Lyka. Isang ganun lang!’’

“Anong isang ganon lang?”

“Isang kimis!’’

Hindi nagsalita si Lyka.

“Sige na Lyka. Pampagana lang, he-he!”

“Sige!”

Kinuha ni Lyka ang kanang kamay ng matanda at ipinasok sa loob ng shirt. Isinapo sa “boobiskie”.

Mainit-init ang nadama ni Kastilaloy. Walang ipinagkaiba noon. Hindi naman siya makapagsalita. Lagi siyang napipipi kapag ginagawa iyon kay Lyka.

Mga 30 segundo isinapo sa “boobiskie” ang palad ni Kastilaloy. Inalis iyon ni Lyka.

“Oks na ha?” sabi ni Lyka.

“Oks na oks Lyka, he-he!”

Umalis na si Lyka at pumasok sa silid nito.

Naiwan si Kastilaloy na nakangiti. Nararamdaman pa niya ang init ng “boobiskie” ni Lyka. At saka nag-imagine ang matanda, kapag naisagawa niya ang balak kay Mau, hindi lang ang pagsapo sa “boobiskie” ang magagawa niya. Kaya kailangang maisagawa na ang plano.

 

KINAGABIHAN, kinuha ni Kastilaloy ang nakatago niyang kandila. Naka-ngisi ito habang nakatingin sa kandila. Parang may kung lumulukob na kay Kastilaloy. Wala nang makapi-pigil sa kanya

(Itutuloy)

vuukle comment

ISANG

KASTILALOY

LANG

LYKA

OO

PAANO TATANG

SI GAUDE

SIGE

SIGE TATANG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with