^

True Confessions

Sinsilyo (205)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“KAILAN ba ang dating ni Mau?” tanong ni Kastilaloy kay Lyka. Pinagbuti naman ni Tatang Kandoy ang pakikinig sa labas ng silid. Halos idikit na niya ang tay-nga sa nakaawang na pinto para marinig ang usapan. Gusto niyang malaman kung ano ang planong ginagawa ng dalawa. Ngayong narinig niya ang pangalan   ni Mau ay lalo siyang naging interesado.

“Hindi ko alam Tatang Dune kung kailan siya dara-ting. Siguro kapag nagsawa na sa babae niya. Doon muna siya ngayon kasi ba-tambata ang babae niya --- parang 16 lang yata.’’

“Bah, batambata pa yun baka wala pang bu….l yun ah!’’

Napabuntunghininga si Lyka. Napatingin sa kisame pagkaraan.

“Ikaw ba Lyka, ilang edad mo na?”

“Twenty five.’’

“Beinte singko anyos ka lang pala e bakit pinagpalit ka agad? Masabaw ka pa ah!’’

“Pag-beinte singko na ang babae, gurang na!’’

“Anong gu-rang?”

“Matanda.”

Nagtawa si Kastilaloy.

Nakikinig pa rin si Tata Kandoy. Medyo nakakasakay na siya. May babae si Mau kaya hindi alam ni Lyka kung kailan ito uuwi.

Ipinagpatuloy niya ang pakikinig sa usapan.

“Siguro nagpapakaliga­ya ngayon sa kandungan  ng babae niya si Mau. Makadale ba naman siya sweet sixteen paputukin. Pero magbabayad naman sa akin nang mahal ang hayop na si Mau. Hindi niya malilimutan ang lahat kapag isinagawa ko ang pagganti.’’

“Talagang aping-api ka, Lyka?’’

“Sobra pang api. Kaya nga pinal na ang desisyon ko. At magkakaroon iyon ng katuparan kapag tinulungan mo ako Tatang Dune.’’

“Pero kailan nga?’’

“Maghintay ka lang, Tatang.’’

“Baka puwede uli advance, Lyka?’’

Tiningnan ni Lyka ang matanda. Pagkaraan ay kinuha ang kanang kamay nito at ipinasok sa loob ng kanyang shirt. Ipinasapo uli ang dibdib. Shock uli si Kastilaloy sa nasapo. Mainit-init.

Pagkaraan ay inalis ni Lyka.

Kitang-kita ni Tatang Kandoy ang lahat. Maski siya ay na-shock sa gina-wa ni Lyka.

“O ano pang reklamo?” tanong nito sa matanda.

“Wala Lyka! Aalis na ako. Sabihin mo lang kailan ha?”

Lumabas na si Kastilaloy.

Mabilis namang nakalayo si Tata Kandoy sa may pinto.

Pero nakita siya ni Kastilaloy.

“Hoy!” (Itutuloy)

KASTILALOY

LYKA

NIYA

PAGKARAAN

PERO

SIGURO

TATA KANDOY

TATANG DUNE

TATANG KANDOY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with