^

True Confessions

Sinsilyo (198)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“O ano pang tinatanga-tanga mo d’yan, umalis ka na at mamalimos. Baka gusto mo pang sipain uli kita!’’ sabi ni Kastilaloy na akmang aambahan ng sipa si Tata Kandoy.

“Baka puwede akong makiusap Dune na huwag munang mamalimos at sobrang sakit ng tuhod ko.’’

“Sige na nga umalis ka na at baka sipain pa uli kita. Buwisit ka!’’

“Apat na sako ba ang kailangan mong barya, Dune?”

“Oo buwisit. Lumayas ka na.”

Umalis na si Kandoy. Gusto na niyang dunggulin sa nguso ang walanghiya at bukingin na ito ang naglagay ng mga sako sa kanyang katre pero hindi muna. Saka na lang niya bubukingin. Palagay ni Kandoy, may binabalak na masama si Kastilaloy. Ipapahamak siya nito. Palagay niya, ididiin siya sa isang krimen. Baka pagbibintangang siyang magnanakaw. Baka pagbibintangan siyang nagnakaw ng barya! Posible. Bakit niya itinago ang mga basyo ng sako sa ilalim ng kanyang katre. Kailangang maging alerto siya mula ngayon. Tiyak na tinatrabaho na ni Kastilaloy ang mga gagawin.

Simula nang matuklasan niya ang mga basyong sako sa katre, hindi na iniiwan ni Kandoy na bukas ang kanyang kuwarto. Sinususian na niya para hindi na makapasok si Kastilaloy. Kung mayroon pa siyang balak, hindi na niya magagawa. At para hindi na rin malaman ni Kastilaloy na natuklasan na niya ang mga sako sa kama.

Naisip din ni Kandoy, maaaring malaki ang kaugnayan ni Lyka sa mga sakong itinago sa katre. Hula niya, kay Lyka ang apat na sako ng barya. Ipinangako ni Kastilaloy. Ang hindi alam ni Lyka, pawang mga bato ang laman ng mga sako at hindi barya.

 

ISANG araw, biglang umalis si Mau. Nakita ni Kastilaloy ang pag-alis nito. Nagpaalaman muna ang dalawa.

Nang makaalis si Mau, napangisi si Kastilaloy, “Ayos, paalis na rin si Mau, he-he-he!” (Itutuloy)

KANDOY

KASTILALOY

LYKA

NIYA

PALAGAY

SAKO

TATA KANDOY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with