^

True Confessions

Sinsilyo (191)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“A, yan bang mga nasa punda ng unan, Mau?’’ tanong ni Kastilaloy na mayroong pag-kabigla sa boses. Hindi niya inaasahan ang pagtatanong na iyon ni Mau. Para bang nagtataka si Mau. Nagdududa pa yata.

“Opo. Ano ang mga ‘yan?”

“Mga barya yan. Para kay Lyka yan. Binibilang ko para sa kanya. Di ba sabi mo, ang lahat nang mga barya ay ibigay kay Lykja?’’

“Oo nga pero bakit nakatago sa ilalim ng kama?”

“A e diyan ko lang na­ilagay dahil baka may pumasok dito ay nakawin. Alam mo na ang panahon ngayon, maraming magnanakaw. Maski ang mga kasama kong matanda, may magnanakaw. Gusto ko lang masigurado na hindi mananakaw ang mga barya ni Lyka.’’

Nakatingin si Mau sa mga barya na nasa punda ng unan.

“Lahat ba yun barya?”’

“Ha? A oo. Lahat yan barya!”

“Bakit sa punda yata nakalagay. Ba’t hindi sa bag para madaling bitbitin.’’

“Mas maganda kung sa punda ng unan dahil matibay. Pero kung gusto mong sa bag ilagay e di ililipat ko.’’

Nag-isip si Mau. Nakatingin pa rin sa mga barya na nasa punda.

“Parang mukhang ang bigat ng mga ‘yan! Parang mga bato ang laman!”

“T-alagang mabigat ang mga ‘yan. Kasi pa-wang mga tig-pipiso, limang piso at sampung piso.’’

“Buti nakaya mo Ta­tang Dune?”

“Oo naman. Malakas pa ako kaysa kalabaw.”

Napatango lang si Mau.

“Sige Tatang Dune, bilangin mo na ’yan at ibigay mo kay Lyka. Gusto na niyang ideposito eh.’’

“Oo. Bibilangin ko na.’’

“Sige.’’

Lumabas na si Mau. Galit si Kastilaloy. Tiyak na sinumbong siya ni Lyka. Humanda ka, Lyka, bulong niya.

(Itutuloy)

BARYA

KASTILALOY

LAHAT

LYKA

MAU

NAKATINGIN

OO

YAN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with