Sinsilyo (168)
“TAYONG dalawa lang naman ang makakaalam, Lyka. Sige na, patingin ng nasa loob ng tuwalya,” sabi muli ni Kastilaloy na may himig pakiusap. Halos ilapit na ang mukha sa balikat ni Lyka. Nasa mga mata na nito ang matinding pagnanasa.
Iba naman ang nasa isipan ni Lyka ng mga sandaling iyon, kapag tumanggi siya sa kagustuhan ng matanda, delikado siyang isumbong nito. Paniniwalaan tiyak ni Mau ang matandang ito. Kabisado niya si Mau na madaling makuha ang tiwala. At maaaring mas paniwalaan nito ang matanda kaysa kanya.
Ano kaya at paglaruan niya ang matandang ito? Ibigay niya ang hilig para makaligtas. Tutal naman at sisilipin lang daw ang nasa loob ng tuwalya. Hindi naman siya mabubuntis ng silip at isa pa wala nang ikakaya ang matandang huklub. Laylay na tiyak ang kargada. Ano na ba yung silip sa boobiski niya at “hiyas”? Hindi naman hahawakan. Basta silip lang daw.
Pero bago niya gawin iyon ay titiyakin muna niya sa matanda na hindi ito magsusumbong ukol sa mga barya at sa ginagawang pagpasok dito sa kuwarto ni Gaude. Kailangang siguruhin niya na walang malalaman si Mau. Kapag nalaman ni Mau na wala namang kasalanan si Gaude, tiyak na masama ang mangyayari sa kanya. Ginulpi pa naman niya si Gaude bago pinalayas. Maaa-ring siya ang gulpihin ni Mau kapag nabulgar ang lahat.
At isa pang hihilingin niya bago ipasilip sa matanda ang kanyang boobiski at “hiyas”, dagdagan pa ang mga barya. Gusto niya maraming barya ang makuha para maideposito sa banko. Gusto niya katulad sa mga baryang nakuha niya noong narito pa si Gaude. Hindi siya papayag na kakaunti ang makuha.
“Ano Lyka at natitigilan ka? Sige na ipasilip mo na ‘yan!” sabi ni Kastilaloy na parang hindi na makatiis at gusto nang makita ang nasa loob ng tuwalya.
“Sige, ipasisilip ko,” sabi ni Lyka na nakangiti. “Pero…” “Pero ano, Lyka?” tanong ni Kastilaloy na ta- lagang atat na.
“Gusto ko, walang malalaman si Mau kahit ano. Hindi niya dapat malaman na nagtutungo ako sa kuwarto ni Gaude at pati ang tungkol sa mga barya. Maliwanag?”
“Oo Lyka. Basta sinabi mo. Sige na ipasilip mo na ‘yan.”
“Teka muna, meron pa…”
“Ano Lyka?”
“Dadagdagan mo ang mga baryang ‘yan. Kakaunti yan. Gusto ko marami! Maliwanag?’’
“Oo! Ako ang bahala. Dadamihan ko. Buksan mo na ‘yan para makita ko!”
Hinawakan ni Lyka ang tuwalyang nakabalot at dahan-dahang ibinuka para ipasilip kay Kastilaloy.
Nanlaki ang mga mata ni Kastilaloy.
Pero bago naibuka ni Lyka ang tuwalya, may kumatok sa pinto. Sunud-sunod!
(Itutuloy)
- Latest