^

True Confessions

Sinsilyo (152)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI makapaniwala si Mau sa nakitang tumpok na lang ng barya.

“Dati, parang bunton ng buhangin yan bakit nagkaganyan?” tanong niya.

“Dapat mo pa bang itanong yan, Mau? Sino ba ang narito sa kuwartong ito kundi si Gaude?’’

“Hayup tala­ga! Pi­nakain ko na ni­na­kawan pa ako!’’

“Ikaw kasi, nagtiwala agad.’’

“Nagkamali ako Tatang Dune.’’

“Nasa huli talaga ang pagsisisi. Ganyan talaga ang buhay. May sinusuwerte at minamalas.’’

“Malaki ang nabawas dito, Tatang Dune. Kasi ang tantiya ko sa nakabunton dito e P500,000 o higit pa.’’

“Mahigit pa roon, Mau. Baka abutin ng isang milyon yun!”

Napasuntok si Mau sa pader. Lumagapak!

“Hayup talaga! Ahas! Magnanakaw! Rapist!’’ sabi nito.

Nakatingin sina Kastilaloy at Lyka. Parang mahinhihg birhen si Lyka. Kung alam lang ni Mau na naka-parte na siya sa mga baryang yun. Nakadeposito na sa banko niya.

Pero nagmukhang ino­sente siya ukol sa mga barya. Patay malis­ya siya kung saan nanggaling ang mga barya. Tinanong niya si Mau,

“Saan galing ang mga baryang yan Mau?’’

“Sorry Lyka at hindi ko nasabi sa’yo.’’

“Pinaglihiman mo ako Mau. Ang tagal nating magkasama rito at kung hindi pa nagwalanghiya si Gaude, hindi ko mala-laman na may nakatago palang pera rito,’’ sabi at kunwaring umiiyak pero wala namang luha.

“Sorry Lyka. Hindi ko sinabi kasi nahihiya ako sa’yo.’’

“Bakit mo ikahihiya? Hindi naman yata nina­kaw ang mga baryang yan,” sabi ni Lyka na may kahalong pag-arte.

“Nanggaling yan sa pagpapalimos ng mga kinupkop kong matanda. Araw-araw, nagsusulit sila nang pinagpalimusan. Hanggang sa dumami nang dumami.’’

“Pinaglihiman mo ako, Mau. Akala ko pa naman, tapat ka sa akin. Akala ko lahat ay pinagtatapat mo. Hindi pala!”

“Sorry Lyka. Hindi na mauulit. Hayaan mo at makakapag-ipon pa nang mga barya. Marami pa akong alagang matanda. Kapag nakaipon, solo mo na yun.’’

Umiyak si Lyka pero walang lumalabas na luha.

Nakatingin si Kastilaloy kay Lyka. Mayroon siyang iniisip. At napangiti pagkatapos.

(Itutuloy)

HAYUP

KASTILALOY

LYKA

MAU

NAKATINGIN

SORRY LYKA

TATANG DUNE

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with