Sinsilyo (122)

IBINITIN ni Lyka ang sinasabi. Nakatingin kay Gaude. Si Gaude ay pa­rang tuod na walang kakibu-kibo. Ni hindi makapagsalita. Nalunok yata ang dila.

‘‘Kapag nakapagbilang ka ng one hundred thou, mayroon akong ipakikita sa’yo Gaude. I’m sure hindi ka pa nakakakita nun… okey ba Gaude?’’

Pero hindi nga makapagsalita si Gaude. Nakatingin lang kay Lyka. Mistulang nahipnotismo siya ni Lyka.

‘‘Hindi ka makapagsalita, Gaude. Nalulon mo ba ang dila mo?’’

‘‘Po?’’

‘‘Bakit hindi ka sumasagot?’’

“A e kuwan po, kina-kabahan po kasi ako.’’

“Para kang hindi la-laki, Gaude. Tuli ka na ba?’’

“O-opo,’’ sagot ni Gaude na tila asiwa. Bakit pati iyon tinanong? Masyadong wild pala si Tita Lyka.

‘‘Talaga? Kailan ka tinulian?’’

“S-sa probinsiya po. Pukpok po.’’

Nagtawa si Lyka. Pati ang paraan ng pagtuli e sinabi.

‘‘Masakit ba?’’

‘‘Opo. Mahapdi.’’

Nagtawa uli   si Lyka.

‘‘Nangamatis?’’

‘‘Hindi po.’’

‘‘Bakit hindi nangamatis?’’

‘‘Hinugasan po kasi ng nilagang dahon ng bayabas.’’

“Talaga? Gaano katagal bago bumahaw ang sugat?’’

“Isang linggo po.’’

Napatango na lang si Lyka.

‘‘Teka, balik na tayo sa pinag-uusapan kanina. Kapag nakapagbilang ka ng barya na one hundred thou, mayroon akong ipakikita sa’yo…okey ba sa’yo. Sigurado ako, hindi ka pa nakakakita niyon. Okey ba Gaude? Kaya mong magbilang ng hundred thou?’’

“Kakayahin ko po pero baka po mga dalawang gabi. Marami po kasi ang hundred thousand.’’

“Bago dumating si Mau kaya mo?’’

“Kailan po ba dating ni Tito Mau?’’

“Sa Linggo narito na yun. Ngayon ay Wednesday. Apat na araw bago siya dumating...’’

“Kakayahin ko po.’’

“Basta may ipakikita ako sa’yo. Hindi ka pa nakakakita niyon.’’

Kinakabahan si Gaude. Sunud-sunod ang tibok ng kanyang puso.

‘‘Alam mo kung ano ‘yun?’’

Hindi makasagot si Gaude.

Itinaas ni Lyka ang laylayan ng pantulog.

“Nakakita ka na ba nito…” (Itutuloy)

Show comments