^

True Confessions

Sinsilyo (120)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“SAAN po nagpunta si    Tito Mau?’’ tanong ni Gaude kay Lyka.

“Hindi sinabi kung saan. Pero malayo at mga ilang araw na mawawala. Bakit ba, Gaude? Bakit gusto mo siyang makausap?’’

Hindi sinabi ni Gaude ang totoong dahilan. Nag-imbento siya.

“Tungkol po sa school, Tita Lyka.’’

“Ano ang tung­kol sa school?   Tuition?”

“Opo.’’

“Magbabayad ka ng tuition?”

Pinanindigan na ni Gau­de. Bahala na.

“Opo. Mag-eexam na po kasi kami.’’

“Ganun ba? Bakit nga­yon mo lang sinabi?”

“Sasabihin ko na sana kay Tito Mau pero wala na pala.’’

“Hindi mo sinabi nung isang linggo.”

“Wala rin po kasi siya no­ong nakaraang linggo.’’

“Okey. Kailan ang exam mo?”

“Sa makalawa po.’’

“Okey. Sige, ite-text ko siya.’’

“Salamat po, Tiya Lyka?”

“’Yun ba talaga ang da­hilan kaya gusto mong ma­kausap si Mau?”

“Opo, yun lang po.’’

Napangiti si Lyka --- ngi-ting nang-aakit at may landi.

Hindi makatingin si Gau- de kay Lyka. Parang hini­hi-gop siya ng nanunuksong pagkakatingin ni Lyka.

“Sige po Tita, papasok na po ako.’’

“Sige Gaude. Pupuntahan kita sa room mo.’’

 

GABI. Mga 10:00 ng gabi, nagbabasa ng libro si Gaude nang makarinig ng katok sa pinto.

Kinabahan si Gaude. Nahuhulaan na niya kung sino ‘yun.

Binuksan niya. Si Lyka! Manipis na pantulog ang suot.

“May sasabihin ako Gaude,” sabi nito at puma­sok sa kuwarto. Parang estatwa si Gaude.

Lingid sa kanila, naka­subaybay si Lolo Kastilaloy. Nakangiti habang may iniisip.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

BAKIT

GAUDE

LOLO KASTILALOY

LYKA

OPO

SHY

SI LYKA

SIGE

TITO MAU

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with