^

True Confessions

Sinsilyo (115)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“KAYA pala ayaw mo  akong papasukin dito e dahil napakaraming barya. Bakit naman? Ibig kong sabihin, masama bang makita ko ang mga bar-yang ‘yan?” Tanong ni Lyka kay Gaude na parang may sama ng loob.

“Hindi po ako ang nagbawal na pumasok ka rito Tiya Lyka.”

“Sino?”

“Sabi po ni Tito Mau walang ibang tao na dapat pumasok dito. Siya lang daw po at ako ang dapat na pumasok.’’

“Ganun ba? Si Mau pala ang nag-utos.’’

“Opo. Sinusunod ko lang po ang gusto niyang mangyari Tita. Iyan po ang dahi­lan kaya ayaw kitang papasukin kanina.’’

“Okey nauunawaan ko na. Hindi na ako galit.’’

“Salamat po Tita Lyka.’’

Pinagmasdan ni Lyka ang bunton ng mga barya. May kislap pa rin sa kanyang mga mata habang nakatingin sa tambak ng mga barya. Noon lang siya nakakita ng ganoong karaming barya. Halu-halo ang P10, P5, P1, 25 sentimo at 10 sentimo.

Nang hindi na makatiis ay nagtanong na si Lyka.

“Saan galing ang mga baryang ito, Gaude?”

Natigilan na naman si Gaude. Sasabihin ba niya o hindi? Kapag sinabi niya, mabubulgar na ang ginagawa ng mga matatanda. Malalantad na ang pamamalimos ng mga ito. At maa-ring dahil doon ay magalit sa kanya si Tito Mau. Ayaw ni Tito Mau na may makaalam ng ginagawang pamamalimos ng mga matatanda. Kaya nga inalis sa kuwarto ni Tito Mau ang mga barya ay para hindi malaman ni Lyka ang maraming barya. Ngayon hindi lamang ang pagkakaroon nang mara-ming barya ang malalantad kundi pati na rin ang pinagkukunan nun.

“Saan galing Gaude?” Tanong muli ni Lyka.

Hindi na nagsinungaling si Gaude. Sukol na siya ni Lyka. Hindi na siya makakapagsinungaling pa.

“Pinagpalimusan po ‘yan Tita.’’

“Pinagpalimusan nino?”

“Nang mga matatanda po.”

“Matatanda? Dala-wang matanda lang ang nakikita ko sa bahay na ito ah – si Lolo Dune at Lolo Kastilaloy.’’

“Marami pa pong nakatirang matanda sa likod. May kanya-kanya silang tirahan dun.’’

“Talaga?”

“Sila po ang mga nagpapalimos. Araw-araw po, may nadadagdag sa mga baryang ito.’’

“Mga magkano sa palagay mo ang mga nakatambak na baryang ito?’’

“Baka po P1 milyon na ito – more or less.”

Halos lumuwa ang mga mata ni Lyka sa narinig.

(Itutuloy)

 

BARYA

LOLO DUNE

LOLO KASTILALOY

LYKA

NANG

PINAGPALIMUSAN

TITO MAU

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with