Sinsilyo (111)
IPINAGPATULOY ni Gaude ang ginagawa. Hinayaan niya kung ano ang ginagawa ni Lolo Kastilaloy sa oras na iyon. Tiyak niya, nakasilip na ito sa butas at pinanonood ang paliligo ni Tiya Lyka. Pinagsasawaan ang katawan. Tiyak ni Gaude, araw-araw ang paninilip ni Kastilaloy. Walang sawa ang matandang Kastilaloy. Siguro titigil lamang ito kung mabibisto ni Tito Mau ang kabalbalan. Pero paano mabibisto e lagi naman siyang wala. Gaya ngayon na malayo tiyak ang pinuntahan. Ni hindi nga niya alam kung nasaan si Tito Mau.
Makaraan ang kalahating oras ay natapos na sa paliligo si Lyka. Ginagayat ni Gaude ang ampalaya nang magdaan ito sa tapat niya.
“Tapos na ako Gaude. Wala ngang dags?”
“Mamaya ko na po lilinisin ang banyo. Tatapusin ko lang po itong niluluto ko.’’
“Ano ba ’yan?”
“Ampalaya po. Igigisa ko at lalagyan ng itlog.’’
“Masarap ba ’yan?”
“Opo.”
“Hindi mapait?”
“Hindi po. Gusto mo pong tikman? Ipagtitira po kita.’’
“Huwag na. Ipagpa-deliver mo na lang ako ng fried chicken spicy. Okey ba Gaude?”
“Opo. Tatapusin ko lang ito at papadeliber na ako.’’
“Thanks, Gaude,” sabi at kinindatan ito.
GABI. Natutulog si Gaude. Pero naalimpungatan siya nang may marinig na binubuksan ang pinto ng kuwarto niya. Pinipihit ang door knob.
(Itutuloy)
- Latest