^

True Confessions

Sinsilyo (110)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

BAGO lumabas si Mau sa pinto ay nilapitan nito si Lyka at hinalikan sa labi. Pagkatapos ay inihatid ni Lyka sa may pinto. Lumabas na.

Pero makalipas ang ilang sandali ay nagbalik ito. Gulat na gulat si Lyka.

“Ba’t ka nagbalik?”

“May nakalimutan akong sabihin kay Gaude,” sabi at nilapitan si Gaude na nagpupunas pa rin ng sahig. May ibinulong dito. “Gaude, huwag mong kalimutang isara ang pinto. Alam mo na ang ibig kong sabihin.”

“Opo.’’

Pagkatapos ay lumapit uli kay Lyka at hinalikan uli.

“Anong sinabi mo kay Gaude?” tanong ni Lyka na nagtataka.

“Sabi ko huwag kang pababayaan habang wala ako.’’

Ngumiti si Lyka.

“Sige, aalis na talaga ako.’’

“Pasalubong ko ha?”

“Oo.’’

Lumabas na si Mau.

Pumasok naman si Lyka sa kuwarto.

Pinagpatuloy ni Gaude ang paglilinis sa salas. Pero habang gumagawa ay hindi pa rin maaalis ang pagtataka kung bakit hindi nito isinama si Lyka sa pag-alis. Baka naman sandali lang sa pupuntahan? Pero maraming laman ang bag. Namumutok sa dami ang damit. Ibig sabihin magtatagal ito sa pupuntahan. Baka mga isang linggo itong wala. Hindi kaya pupunta sa malayong lugar? Baka may nag-imbita at kailangang siya lamang kaya hindi isinama si Lyka. Baka mahalaga ang pupuntahan.

Bago umalis, ipinaalala na huwag siyang magpapapasok sa kuwarto. Maski si Lyka ay huwag papapasukin. Kailangan ay laging nakakandado ang pinto. Ayaw ni Tito Mau na may makakita sa bunton ng mga barya sa kanyang kuwarto. Walang ibang dapat makakita ng mga barya. Kailangang sundin niya si Tito Mau.

Tinapos ni Gaude ang ginagawa. Isinunod na nilinis ay ang banyo. Alam niya mamaya-maya, dakong alas nuwebe ay maliligo si Lyka. Eksaktong maligo si Kyla kaya dapat matapos niya ang paglilinis niyon bago mag-alas nuwebe.

Sini­guro niyang walang daga sa banyo. Delikado kapag may nakapasok na daga. Malilintikan na siya kay Tito Mau. Nang malinis na malinis na ay lumabas na siya.

Pagkaraang linisin ay ang pagluluto naman ng pagkain para sa mga matatanda ang hinarap niya.

Eksaktong alas nu-webe ay nakita niya si Lyka. Patungo ito sa banyo para maligo.

“Maliligo na ako, Gaude.”

“Malinis na po ang banyo.”

“Walang dags?”

“Wala po.’’

Kinindatan siya ni Lyka at saka tinungo ang banyo. Pilya talaga si Lyka.

Sa labas, nagmamadali naman si Lolo Kastilaloy sa pagpunta sa kanyang bahay na lata. Kabisado na rin ni Kastilaloy ang oras ng paliligo ni Lyka.

(Itutuloy)

ALAM

EKSAKTONG

GAUDE

LOLO KASTILALOY

LUMABAS

LYKA

PAGKATAPOS

PERO

TITO MAU

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with