^

True Confessions

Sinsilyo (77)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NATUWA si Tito Mau kay Gaude dahil mabilis nitong nailipat ang mga barya. Malinis na sa kanyang kuwarto.

Nagulat ito nang ma­kita ang bunton ng mga barya sa kuwarto ni Gaude. Paano raw bibilangin ni Gaude ang maraming barya? Makaya raw kayang bilangin?

“Pipilitin ko po Tito. Tiyagaan lang!”

“Pero huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo. Baka dahil sa pagbibilang mo e hindi ka na makapag-review. Kung kailan ka lang libre.’

“Opo. Hindi ko pa­babayaan ang pag-aaral ko.’’

“Mayroon bang naka­kita sa’yo nang hinahakot mo ang mga lata?”

“Wala po. Sigurado akong walang nakakita sa akin.”

“Mabuti naman.”

“Mayroon lang akong mga tanong Tito Mau.”

“Ano ‘yun?”

“Saan po ngayon da­dalhin ang mga bagong pinagpalimusan ng mga matatanda? Sa kuwarto mo rin po ba?”

“Hindi! Dito na dadalhin sa kuwarto mo.”

“Si Lolo Dune po ang magdadala?”

“Oo. Sasabihin ko sa kanya na dito na dalhin ang mga latang may laman.”

“Hindi po kaya mag­reklamo si Lolo Dune?”

“Hindi magrereklamo ‘yun. Kung ano ang sabihin ko, yun ang gagawin niya.’’

“E paano nga po pala ang mga latang walang laman? Kanino ko po ibi­bigay?”

“Itambak mo sa labas.’’

“Baka po kagalitan ako at pagsabihang ‘tonto’. Masakit pong magsalita si Lolo Dune.’’

“Ako ang magsasabi sa kanya. Huwag kang mag-alala. Basta ang trabaho mo ay bilangin ang mga barya.’’

“Opo, Tito Mau.’’

Makaraang mag-usap, agad itinambak ni Gaude ang mga basyong lata sa labas.

Hindi siya nakita ni Kastilaloy, sa halip ang nakakita sa kanya ay si Lolo Kandoy. Gulat na gulat­ sa maraming basyong lata.

“Bakit mo inilabas ang mga ‘yan?”

Ikinuwento niya sa matanda ang lahat. Hindi niya tinupad ang sinabi ni Tito Mau na huwag ipagsasabi ang tungkol sa barya.

“Aba e di ang dami mong pera sa kuwarto. Mayaman ka na, ha-ha-ha!”

“Palagay ko po pagdating ng araw wala na akong tutulugan dahil napuno ng barya.

“Puwedeng mangyari iyon. Hindi kasi kami tumitigil sa pamamalimos.’’

“Oo nga po.’

“Siyanga pala, payo ko sa’yo, magsubi ka ng barya. Samantalahin mo ang pagkakataon…”

(Itutuloy)

BARYA

LOLO DUNE

LOLO KANDOY

MAYROON

OO

OPO

TITO MAU

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with