^

True Confessions

Sinsilyo (51)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“BAKA naiwan mong bukas ang aking kuwarto, Gaude at habang nasa school ka ay may natuksong pumasok at pinakialaman ang mga sinsilyo,” sabi ni Tito habang naka­tingin sa kanya.

“Hindi ko po naiiwang bukas ang kuwarto mo Tito. Sigurado po ako.’’

“A, okey, sige. Baka naman nagkakamali ako sa mga posisyon ng lata. Siguro nga’y nagkakamali lamang ako,’’ sabi ni Tito Mau at saka tumalikod at nagbalik sa kuwarto nito.

Nag-iisip naman si Gaude. Sino kaya ang pumasok sa kuwarto ni Tito Mau. Tiyak nangyari iyon habang nasa school siya.

Nag-isip muli siya kung paano nakapasok sa kuwarto ang nakialam sa mga sinsilyo. Kabisado raw ni Tito Mau ang mga lata sa ilalim ng kama kaya hindi maikakaila sa kanya ang pagbabago ng po­sisyon.

At saka may naalala si Gaude, ‘yung susi ng kuwarto ni Tito Mau ay naiwan niya minsan sa ibabaw ng mesa. Naiwan niya ang susi makaraang magbihis. Naipatong niya. Naalala lamang niya iyon habang nasa loob ng klase.

Kinahapunan ay nagmamadali siyang umuwi para makuha ang susi. Baka gamitin para makapasok sa kuwarto ni Tito Mau.

Nang makita niya ang susi ay nakapatong pa rin ito sa mesang ka­inan. Hindi nabago ang posisyon ng susi sa pagkakatanda niya. Itinago niya ang susi.

Ang susi ay duplikado lamang at ang original ay na kay Tito Mau. Ibinigay ni Mau sa kanya ang susi para anytime ay maka­pasok siya at makapaglinis dun.

Ipinasya ni Gaude na huwag nang sabihin iyon kay Mau. Baka magalit sa kanya.

 

ISANG umaga, pa­pasok si Gaude nang makita ni Lolo Kandoy.

“Gaude, sasabay uli ako sa’yo!”

Napansin ni Mau na may dala sa plastic na supot si Lolo Kandoy.

“Saan ka pupunta Lolo?”

“Di ba a-trienta nga­yon?”

“Opo.”

“Siguradong marami akong pera pag-uwi mamaya.’’

­(Itutuloy)

GAUDE

KUWARTO

LOLO KANDOY

MAU

NIYA

SHY

SUSI

TITO

TITO MAU

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with