^

True Confessions

Sinsilyo (46)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SA halip na itanong ni Gaude kay Lolo Dune kung bakit maraming sinsilyo si Mau, ang pakiusap na lang niya rito na huwag na silang mag-away ni Lolo Kandoy ang muling hiniling.

“Huwag na po sana kayong mag-away ni Lolo Kandoy, Lolo Dune.’’

“Sa kanya mo sabihin yan, huwag sa akin. Ako e hindi naman palaaway maliban na lamang kung ako ay hinahamon na at inaambahan. Kung hindi mo kami inawat ng tonto na iyon ay baka pinabu-salsal ko ang nguso.’’

“Sige po sasabihin ko kay Lolo Kandoy na huwag na kayong mag-aaway. Magpapasensiyahan na kayo.’’

“Basta kapag hinamon uli ako ng estupido at magnanakaw na iyon ay ibubulgar ko pa ang baho niya,” sabi ng matanda at tumayo. Babalik na ito sa kuwarto niya. “Sige, salamat sa paglinis mo sa kuwarto ko.’’

‘‘Wala pong anuman Lolo. Basta sabihan mo ako kung kailan lilini-  san uli ang kuwarto mo.’’

Tumango lang si Lolo Dune at lumabas ng kusina. Nagtungo na ito sa kuwarto niya sa likod.

Matagal nang nakaalis si Lolo Dune ay nag-iisip pa rin si Gaude ukol sa mga nalaman kay Lolo Kandoy lalo na ang tungkol sa pagkabawas daw ng mga sinsilyo ni Tito Mau sa kuwarto nito. Si Lolo Kandoy daw ang huling pumasok sa kuwarto ni Tito Mau. Iyon daw ang dahilan kaya wala nang tiwala si Mau kay Lolo Kandoy.

Pero wala naman daw nakakita kay Lolo Kandoy kung ito nga ang salarin kaya nabawa-san ang mga sinsilyo. Pawang bintang lang ang lahat.

At sabi pa ni Lolo Dune, marami pa raw siyang alam ukol kay Lolo Kandoy. Ano kaya ang mga ‘yun?

Pero hindi pa rin siya kumbinsido na gagawin iyon ni Lolo Kandoy. Wala sa itsura ni Lolo Kandoy na makikialam o kukuha nang hindi kanya. Maniniwala lamang siya kung nakita niya ito sa akto na kumukuha nang hindi kanya.

Kinabukasan, papasok na si Gaude sa uniber­sidad at lalabas na  sa gate nang may tu­mawag sa kanya.

“Gaude!”

Si Lolo Kandoy. Nasa may entrance ng bagong gawang daan patungo sa likod.

“Eto ang baon mo. Ingatan mo at baka malaglag sa bulsa mo. Mabuti pala at nakalabas ako e papasok ka na pala.’’

Napangiti si Gaude sa matanda. At naitanong ni Gaude sa sarili: Ito ba ang magnanakaw na sinasabi ni Lolo Dune. Walang kasing bait ni Lolo Kandoy na lagi siyang binibigyan ng baon.

Kinuha niya ang perang ibinibigay ng matanda at saka nagpasalamat.

(Itutuloy)

vuukle comment

KANDOY

LOLO

LOLO DUNE

LOLO KANDOY

PERO

SI LOLO KANDOY

SIGE

TITO MAU

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with