^

True Confessions

Sinsilyo (19)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KUMPARA sa naipon niyang barya noong nasa high school siya, wala iyon sa kalingkingan ng mga baryang isinisilid niya ngayon sa mga supot na plastic. Napakarami talaga na hindi niya alam kung kailan niya matatapos ang pagsisilid sa supot.

Una niyang isinilid ang mga P1. Mas marami ka-sing P1 kaysa P5 o P10. Mas madali ring bilangin ang P1. Bawat supot ay P100 ang nakalagay. Bawat supot na may laman ay inihahanay niya sa ilalim ng kama. Ingat na  ingat siya sa pagbibilang at baka sumobra o magkulang.  Saka nadiskubre niya na para masiguro na walang labis o kulang, iti­natayo o itinutumpok muna niya ang mga piso at saka pinagpantay-pantay. Sa ganoong paraan ay hindi siya magkakamali. Kapag nakaipon na nang mara-ming tumpok na pantay-pantay saka isinilid sa supot.

Habang nagsisilid ng barya, naisip naman ni Gaude na siguro kaya pina­sisilid sa kanya ni Tito Mau ang mga barya ay para ipabuo o gawing papel. Sa probinsiya ay may mga tindahan na tumatanggap ng mga barya para ipabuo. Kailangan ng mga tindahan ang barya lalo na ang 25 sentimos at P5. Noong biyakin niya ang kanyang alkansiya noon ay pinabuo rin niya. Hindi kalakihan ang naipon niya. Ibinili niya ng isinuot noong graduation.

Baka naman idedepo-sito ni Tito Mau sa banko ang mga baryang ito. Napakarami nito kapag natapos. Mabigat kapag dadalhin sa banko.

Nang mangalay ang likod at baywang sa pagkakaupo, nag-unat-unat si Gaude. Hindi pa naman siya inaantok kaya marami pa siyang maisisilid na barya. Kailangang makita ni Tito Mau na marami siyang naisilid na barya. Pagda-ting niya bukas, magugulat sigurado dahil sa dami nang naisupot.

At malay niya, baka sa katuwaan sa ginawa niya ay maalala na ang pag-eenrol niya. Ang kutob ni Gaude ay nalimutan ni Tito Mau ang tungkol sa pa-eenrol niya dahil meron itong inaasikaso. Laging may pinupuntahan. Hindi naman niya maipaalala ang tungkol sa pagpasok o pag-eenrol niya at baka masamain. Baka mayroon itong binabalak para sa kanya ay masira dahil lamang sa pagtatanong niya.

Mas mabuti kung haya­an na lang niya ito na kusang bumanggit sa balak na pag-aaral. Hindi naman nito siguro sisirain ang naipangako sa kanyang tatay nang umuwi ito sa probinsiya.

Maghahatinggabi na nang lumabas si Gaude sa kuwarto ni Tito Mau. Inaantok na siya. Buma­bagsak na ang talukap ng kanyang mga mata. Baka magkamali pa ang kanyang pagbibilang sa mga barya. Bukas na lang uli ng gabi niya ipagpapatuloy ang pagbibilang ng mga barya.

Inayos niya ang salansan ng mga nakasupot na barya. Magandang pagmasdan ang pagkakahanay.

Lumabas siya sa kuwarto. Nagulat siya sapagkat naroon pala sa may pinto at naghihintay si Lolo Kandoy.

“Anong ginagawa mo sa kuwarto ni Mau?”

(Itutuloy)

 

ANONG

BARYA

BAWAT

LOLO KANDOY

NAPAKARAMI

NIYA

SIYA

TITO MAU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with