^

True Confessions

Sinsilyo (6)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGLUTO ng tanghalian si Gaude. Nagsaing muna sa isang malaking kaldero. Ginayat ang mga gulay – repolyo, carrots at Baguio beans -- na nasa mesa. Nang maluto ang sinaing, iginisa niya ang mga gulay sa isang ma­laking kawali. Itinuro ni Mau sa kanya ang mga paglulutuan.

Nang maluto ang gulay, hinugasan niya ang mga pinggan at baso. Inihanda niya ang mga pinggan na kinakainan ng mga matatanda. Sabi ni Mau, kusang kumukuha ng pagkain ang mga matatanda at yung iba na tinatamad pumunta sa kusina ay dinadalhan na lamang.

Habang naghihintay nang mga kakaing matanda ay naisipan niyang  linisin ang kusina. Sa mga sulok ng kusina ay maraming nakatagong dumi. Ka­ilangang walisin iyon at lampasuhin.

Hanggang sa mapansin niya ang mga nakatambak na mga basyong lata at plastic sa madilim na sulok ng kusina. Marami ang mga iyon. Parang matagal nang nasa sulok.

Basura na ang mga iyon, naisip ni Gaude. Kailangang mailabas. Ang mga basyong lata ang tinitirahan ng mga lamok, daga, ipis at alupihan.

Nailabas niya ang mga lata sa madilim na sulok. Tama siya sapagkat nang alisin ang mga lata ay gumapang ang mga ipis at nagliparan ang mga lamok.

Kumuha siya ng paglalagyan. Isang sako ang nakita niya. Isinilid niya ang mga lata. Lumikha ng ingay­ ang mga lata nang bumagsak sa sako.

“Huwag! Huwag mong itapon yan!”

Nagulat si Gaude.

(Itutuloy)

BASURA

GINAYAT

HABANG

HANGGANG

HUWAG

INIHANDA

NANG

NIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with