^

True Confessions

Sinsilyo (3)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

TUMINGIN ang dala-wang matanda kay Mau at ngumiti at saka ipinagpatuloy ang pagkukuwentuhan. Habang papalayo sila sa dalawang matanda ay narinig niya ang tawanan ng mga ito.

“Sino ang dalawang matanda, Tito Mau?’’

“Ah, mga ampon ko ‘yun. Mga makukulit.’’

Narating nila ang pinakaloob ng apartment. Kumaliwa sila at nakita ang isang saradong kuwarto. Malapit iyon sa kitchen at banyo.

“Dito ka sa kuwartong ito. Linisin mo lang at medyo matagal nang hindi nalilinis.’’

May kinuha si Mau sa malapit sa may switch ng ilaw. Susi na nakasabit sa nakausling pako. Maraming susi iyon. Inisa-isa ni Mau ang susi. Isa ang sinubukan. Ipinasok sa seradura. Ayaw pumasok.

Isa pa ang sinubukan. Ayaw din. Hanggang sa matiyempuhan ang pang-apat na subok.

Binuksan ang kuwarto.

Nalanghap nila ang amoy kuwarto na matagal na nakulob.

‘‘Amoy lupa na ano, Gau­de? Linisan mong ma­buti. Alisin mo ang kutson at ibilad at baka may surot na yan. Dito ka na mula ngayon.’’

“Opo Tito Mau.’’

“May cabinet diyan at maliit na electric fan. May maliit na table.’’

“Opo. Salamat po.’’

“Tiis-tiis ka lang dito.’’

‘‘E ano po ang magiging trabaho ko Tito Mau?’’

“A ikaw na ang magla-laba ng damit ko. Mahal kasi ang pagpapalaba dun sa labandera. Madalas pa akong manakawan. Yung mga naiiwan kong pera  sa bulsa ay hindi na isinasauli.’’

‘‘Sanay po akong mag­laba, Tito Mau. Ako po ang naglalaba ng damit na-min. Marunong din akong mamalantsa.’’

‘‘Okey! Pero hindi lang damit ko ang lalabhan  mo, pati damit ng mga matatanda.’’

“Opo. Kaya ko po.’’

‘‘Ikaw na rin ang mag­luto ha? Mga gulay-gulay lang naman at isda ang iluluto. Kaya mo?’’

“Opo Tito. Kaya ko pong lahat. Sanay po ako sa trabaho.’’

“’Yan ang gusto ko, Gaude. Basta matiyaga  at mapagpasensiya, aasen­so ka.’’

“E saan po ang room mo, Tito?’’

“Dun sa may malapit sa salas.’’

‘‘E yun pong dalawang matanda, saan ang room nila?’’

“Sa likod nitong apartment. May extension pa ito. Diyan ang daan sa kusina.’’

“Ah.’’

(Itutuloy)

AYAW

DITO

ISA

KAYA

MAU

OPO

OPO TITO

TITO MAU

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with