Halimuyak ni Aya (503)
HINDI nagsalita si Sam hanggang makauwi sila ng bahay. Alalang-alala si Aya sa asawa. Pakiramdam niya may dinadalang problema si Sam. Kutob ni Aya, tungkol kay Abdullah Al-Ghamdi ang dahilan nang pagiging tahimik ni Sam.
‘‘May nangyari ba sa Daddy mo --- kay Abdullah?’’
Tumango si Sam.
“Anong nangyari?’’
“Nang makausap ko kaninang umaga, nanghihina raw siya. Parang nauupos daw siya. Malakas din daw ang pagbaba ng kanyang timbang.’’
“Diyos ko!’’
“Habang kausap ko, hinahabol ang pagÂhinga. Pero ayaw pa ring magpahalata. Kinumusta niya ang school. Sabi ko tapos na at maaaring sa mga susunod na araw ay pasisinayaan na. EksakÂtong magagamit sa pasukan. Tuwang-tuwa siya. Huwag daw kalimutang ilagay ang pangalan ng aking ina na si Cristy. Tinanong din niya kung tapos ang gymnasium. Sabi ko malapit nang matapos. At ang pahabol niya sana raw magkaroon ng clinic para sa mga estudyante. Mag-hire daw ako ng nurse para laging may nakabantay in case of emergency. I-guide ko raw ang nurse, tutal naman daw at doktor ako. Sabi ko, masusunod ang kanyang kahilingan. Mahigpit niyang sinabi na ibuhos na ang tulong sa mga nangangailangan.’’
Habang nakikinig si Aya ay tumutulo ang luha.
‘‘Bago kami nagtapos sa pag-uusap, padalhan ko raw siya ng picture pero sana raw nakalagay na ang pangalan ng aking inang si Cristina. Sabi ko’y masusunod lahat ang hiling niya. Hanggang doon na lamang ang aming pag-uusap. Sabi ko mag-rest na siya. Masama ang ma-stress. Nagtawa siya. Tapos ay narinig kong humingal…’’
“Sam, natatakot ako. Sana naman, mahaba pa ang buhay ni Abdullah.’’
Napabuntunghi-ninga na naman si Sam. Malalim.
LUMIPAS pa ang ilang araw at pinasinayaan na ang school. Napakaganda. Napakaayos. Handang-handa na sa mga mag-aaral.
(Itutuloy)
- Latest