Halimuyak ni Aya (498)
HINDI makapagsalita si Sam at nakatingin lang sa lalaking nag-paÂkilalang si Felipe. Siya raw ang asawa ni Cristy!
Pagkaraan nang maÂraming taon, ngayon lamang nakita ni Sam ang asawa ng kanyang inang si Cristy. Kahit minsan, walang naipakitang retrato ni Felipe ang kanyang Tatay Ado at Nanay Cion. At wala ring naikuwento ukol dito.
“Naparito ako para humingi sana ng tawad sa iyo, Sam,†sabi ni Felipe. “Malaki ang kasalanan ko sa’yo at sa nanay mong si Cristy. Iniwan na lang kita basta kina Tatay Ado at Nanay Cion. Kasi’y gulung-gulo ang isipan ko noon. Sana maunawaan mo ako, Sam…’’
Nabagbag ang kaÂlooban ni Sam sa sinabi ni Felipe.
Nilapitan niya ito at niyakap. “Wala po iyon, Tatay Felipe. NauunaÂwaan ko ang kalagaÂyan mo nun. Alam ko na naÂsaktan ka rin.’’
Si Felipe naman ang hindi nakapagsalita. NaÂpakabait pala ni Sam.
“Paano mo nalaman ang pangalan ko, Tatay Felipe?â€
“Madalas akong duÂmadalaw dito nang palihim at nagtatanung-tanong ukol sa’yo. Hanggang sa malaman ko na namatay na raw sina Tatay Ado at Nanay Cion. Nalaman ko na ikaw daw ay isa nang doctor. Nitong mga nakaraang buwan, nalaman ko na nagpapatayo ka ng school dito…’’
“Ang ama ko pong AraÂbo ang nagpapagawa ng school. NagkiÂta po kami ng aking ama….’’
Napatangu-tango si Felipe.
“Halika sa aming bahay Tatay Felipe. DoÂon tayo mag-usap at doon ka na rin kumaÂin,†sabi ni Sam at saka pinakilala si Aya. “SiyaÂnga po pala, siya po ang aking asawa na si Aya.’’
Niyakap ni Aya si Tatay Felipe.
Nang nasa bahay na sila ay paulit-ulit pa ring humihingi ng tawad si Felipe kay Sam. Sobra-sobra ang pagsisisi nito.
“Kalimutan mo na iyon Tatay Felipe. Siyanga pala, saan ka po nakatira?’’
“Palipat-lipat ako ng tirahan, Sam.’’
“Wala kang pamilya, Tatay Felipe?â€
“Wala. Hindi ako nag-asawa dahil wala naman akong kakayahang magkaanak.’’
(Itutuloy)
- Latest