Halimuyak ni Aya (495)
PAGKARAANG mabasa ang sulat ay natigilan si Sam. Naging malungkot ang mukha. Nag-worry si Aya.
“Bakit Sam? Anong nakalagay sa sulat ng daddy mo?â€
Matagal din bago nakasagot si Sam.
“May sakit pala si Daddy pero hindi niya sinabi. Ayaw niya akong mag-worry. Hindi pa naman daw malala pero kung sakali’t hindi na guma-ling, tanggap na niya ang kapalaran. Maligaya siya sa maaaring mangyari sapagkat nagkita kami at nagkayakap. Iyon naman daw ang mahalaga. Ang mga tseke raw na kasama ng sulat ay para sa ating dalawa at sa kanyang mga apo. Bahagi iyon ng kayamanan niya na matagal na raw niyang plano na ipagkaloob sa aking inang si Cristy. Pero ngayong wala na si Mama, ako na raw ang may-ari ng kayama-nan. Ang tanging hiling ni daddy ay magpagawa raw ako ng school sa probinsiya. Napansin daw niya na maliit ang school doon at luma pa. Kawawa raw naman ang mga batang nag-aaral. Bumili raw ako ng isang malaking lote at doon itayo ang bagong school. Ipangalan daw sa aking inang si Cristy ang school kung maaari. Gusto raw niya, maalala lagi ang pangalan ng aking ina. Yung sinabi naman niya na gustong dito mag-retire at magne-gosyo, depende sa magi-ging kalagayan niya. Kung magkakaroon ng mabuting resulta, maaaring matuloy ang kanyang balak…â€
Tumigil sa pagsasalita si Sam. Napabuntunghini-nga ito. Malalim. Napatingin kay Aya.
“Ipagdasal natin si daddy na malampasan ang dinadala niya.’’
“Oo, Sam.’’
“Kung sinabi sana niya, sana nakatulong ako.’’
“Pero hindi halatang may tinataglay siya, Sam.’’
“Malalakas kasi ang resistensiya ng Arabs. Hindi agad makikita na mayroong karamdaman.’’
“Ano kayang sakit niya Sam?â€
“Hindi sinabi. Pero hinala ko, sa prostate.’’
Napatangu-tango si Aya.
“Sana malampasan niya, Sam.’’
Napabuntunghininga na lamang si Sam.
“Tulungan mo akong maisakatuparan ang bilin niya, Aya. Kailangang maÂkapagpagawa tayo ng school sa probinsiya.’’
“Oo, Sam. Nasa likod mo ako. Lahat nang sinabi ng iyong daddy ay matutupad.â€
(Itutuloy)
- Latest