^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (493)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

INIHATID nila ng tanaw si Abdullah. Hanggang sa makapasok na ito sa loob ng departure lounge. Kahit matagal nang nakapasok si Abdullah ay nanatili pa ring nakatingin doon si Sam. Malungkot ito sa pag-alis ng ama.

Nagulat pa si Sam nang yayain ni Aya.

“Halika na Sam. Maaari mo namang makausap ang daddy mo sa phone bukas di ba?’’

“Oo. Ibinigay niya ang number. Pero sabi niya, siya na lang ang tatawag sa akin.’’

Umalis na sila.

Habang nasa sasak-yan ay may sinabi si Sam na ikinagulat nina Aya, Imelda at Numer.

“Balak ni Daddy na dito na manirahan. Gusto raw niya mag-retire na sa Saudi Navy at dito magtayo ng negosyo.’’

“Talaga, Sam?”

“Oo. Iyon ang pinag-usapan namin. Di ba napansin ninyo na lagi kaming nag-uusap. Kinuha niya ang opinion ko ukol sa balak niya. Sabi ko, gusto ko ang balak niya dahil magkakasama na kami rito. Pero paano ang asawa niya, baka hindi pumayag na dito manira-han sa Pilipinas. Sabi niya, lahat daw ng pasya niya ay iginagalang ng kanyang asawa. Masyado raw submissive ang kanyang asawa kaya maganda ang kanilang pagsasama.’’

“Anong negosyo ang balak niya, Sam?” tanong ni Aya.

“Gusto niya ay restaurant na ang specialty ay Arab foods. Balak niyang pausuhin dito ay yung tunay na shawarma. Kasi napansin niya yung mga shawarma na binibenta rito ay malayung-malayo sa nasa Saudi.’’

“Tama siya Sam. Yung shawarma sa Riyadh ay talagang napakasarap. Walang kasingsarap.’’

“Balak niya ay mag-hire ng Turko o Turkish. Ang mga ito raw ang sanay mag-shawarma.’’

“Tama siya Sam. Yung mga Turko ang karaniwang tauhan sa mga restaurant sa Riyadh dahil masarap mag-shawarma.’’

“Palagay daw niya papatok ang naisip niya. Maganda raw mag-business dito napansin niya dahil mahilig sa foods ang Pinoy.’’

Marami pa silang pi­nag-usapan hanggang sa magpaalam na sina Numer at Imelda. Bababa na ang dalawa sa condo nito sa Makati.

“Ingat kayo, Tito Numer, Tita Imelda.’’

“Hindi na ba kayo ba­baba para dumaan sa condo namin?”

“Sa ibang araw na lang, Tito.’’

“Okey bye!”

Umalis na ang sasak-yan nina Sam.

Nang nasa kanilang unit na sina Imelda at Numer, binuksan nila ang envelope na binigay ni Abdullah. Excited sila.

Nang buksan, nagulat sila dahil tseke ang laman. Malaking halaga ng pera!

(Itutuloy)

 

ABDULLAH

AYA

BALAK

IMELDA

NANG

NIYA

NUMER

OO

SAM

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with