Halimuyak ni Aya (490)
MATAGAL na nakatitig si Abdullah sa naka-frame na retrato ni Cristy. May binabalikan siya sa alaala. Hindi niya malilimutan ang retratong iyon. Iyon ang dahilan kaya buhay pa rin sa alaala niya ang Pinay na si Cristy na nagbigay sa kanya ng isang anak na walang iba kundi si Sam.
Habang nakatingin si Abdullah sa retrato ni Cristy ay nakatingin naman sa kanya si Imelda. Naalala ni Imelda na mayroon ding ibinigay sa kanya si Cristy noon na retrato nito. At kapareho iyon ng retrato na naka-frame. Nasira lamang ang retrato nang malabhan niya ang wallet na kinaroroonan ng retrato.
Sa pagtataka ni ImelÂda, Sam, Aya at Numer, biglang may dinukot si Abdullah sa kanyang pitaka. At nagulat sina Imelda nang makita kung ano iyon. Ang retrato ni Cristy na kaparehong-kapareho ng nasa frame ay naka-sabit sa wall.
“Binigyan din pala ni Cristy si Abdullah ng retrato niya. Ako man ay binigyan din ni Cristy,†bulong ni Imelda kay Numer.
“Kapareho rin nang naka-frame?â€
“Oo. Nasira nga lang.’’
“Ibig sabihin, talagang may namagitan sa kanila ni Abdullah at malalim ang relasyon dahil itinago pa ang retrato.â€
“Oo. Malalim ang relasÂyon nila. Napamahal si Abdullah kay Cristy. Hindi totoong pinagsamantala-han si Cristy kaya nabuntis. Talagang nag-ibigan sila.’’
“Maganda ang story nila ano, Imelda?’’
“Maganda sana kung walang asawa si Cristy. Pero may-asawa siya --- si Felipe.â€
“Ah may asawa pala si Cristy.’’
“Oo pinagtapat sa akin ni Cristy. Naguguluhan nga siya noon kung paano ang gagawin. Sa kalituhan, gumawa siya ng script at pinalabas na ginahasa siya ng among Saudi. Ang panggagaha-sa ang dahilan kaya siya nagbuntis.’’
“Ah yun pala. E, nasaan na raw yung si Felipe?â€
“Walang nakakaalam. NagpakaÂlayu-layo dahil naÂlaman niya na “niÂloko†siya ni Cristy. Nabasa kasi ang sulat ko kay Cristy. Kaya galit na galit si Felipe at iniwan si Cristy. Ayaw niyang maÂpagtawanan ng mga kababayan.’’
Napatangu-tango si Numer.
Nang tingnan ni Imelda si Abdullah, may ibinubulong ito kay Sam. Seryoso si Abdullah. Pati sina Aya at Numer ay nagtataka.
(Itutuloy)
- Latest