Halimuyak ni Aya (487)
SUMUNOD na araw, duÂmalaw si Abdullah sa maÂlaking bahay nina Sam at Aya. Tuwang-tuwa si AbÂdullah nang makita ang mga anak ni Sam. Kinalong ang bunso. Sabik na sabik sa kanyang mga apo.
Sabi ni Abdullah kay Sam, natutuwa raw siya sa pamilyang Pilipino sapagkat masyadong closed. Sa dami raw ng mga Pilipinong kaibigan niya sa Royal Saudi Navy, halos alam na niya ang mga story ng bawat isa. Lahat daw ay labis ang pagmamahal sa pamilya. Hindi nakakalimot sa mga magulang at kapatid. Laging nagtutulungan at nagdadamayan sa oras ng pangangailaÂngan. Humahanga raw siya sa ugali ng mga Pinoy.
Hanggang sa madako ang usapan nila kay Imelda. Sinabi ni Sam kay Abdullah na dating maid si Imelda sa Saudi. At nagulat si Abdullah nang malamang matalik na kaibigan ni Imelda si Cristy.
Tinanong nito si Imelda kung may naikuwento si Cristy ukol sa kanilang daÂlawa. Marami, sabi ni Imelda. Lahat nang nangyari sa kanila (Cristy at Abdullah) ay nabanggit. Walang inilihim si Cristy. Pati pagbubuntis ay ipinagtapat. Pati ang balak na pagtungo sa Philippine Embassy ay sinabi rin,
Napatangu-tango lamang si Abdullah sa mga sinabi ni Imelda.
Tinanong naman ni Imelda si Abdullah kung totoo bang nagtungo ito sa Philippine Embassy ilang araw makaraang tumakas si Cristy.
Tumango si Abdullah. Subalit hindi raw niya nakausap si Cristy. Gusto raw niyang humingi ng tawad kay Cristy noon. Pero, hindi nangyari. Sa isip niya, itinago na raw si Cristy ng embassy officials. Kasi akala raw ay kukunin niya si Cristy para ibalik sa bahay. Hindi raw iyon ang dahilan. Gusto raw niya humingi ng tawad.
Kumbinsido si Imelda sa mga sinabi ni Abdullah. Si Aya ay tila maiiyak na naman. Nakatingin lang si Sam sa ama. Hindi naman pala nito pinagsamantalahan o pinuwersa ang kanyang ina. Nagmamahalan pa sila.
Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat. Lalo siyang nakadama ng pananabik kay Abdullah. Hindi niya sasayangin ang mga oras habang narito sa bansa ang kanyang ama. Ibibigay niya ang gusto nito.
KINABUKASAN, ang paglilibot sa maraming lugar sa bansa ang ginawa nina Sam para mabigyang kasiyahan si Abdullah. Kasama lahat ang pamilya ni Sam at pati si Imelda. Si Numer ang alalay ni Abdullah.
Manghang-mangha si Abdullah sa mga lugar na pinuntahan. Lagi silang nag-uusap ni Sam. Si Sam ang nagtuturo kay Abdullah sa mga lugar na pinupuntahan nila.
(Itutuloy)
- Latest