^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (485)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MASYADO mo naman akong pinag-iisip, Aya. Sino nga ang sasalubu-ngin natin?”

“Basta, kapag nasa NAIA na tayo saka namin sasabihin sa’yo ni Tita. Pero okey ka ba ngayong araw na ito? Wala ka bang pasyente o klase?”

“Wala. Open ang sked ko ngayong araw na ito. Parang pinagtiyap ah.’’

“Oo nga.’’

“Pero puwedeng sabihin mo na kung sino ang sasalubungin natin?’’

Nagtawa si Aya. Si Tita Imelda na nakikinig sa pag-uusap ng mag-asawa ay nakangiti lang.

“Hindi naman sina  Daddy at Tita Sophia dahil next month pa ang dating nila mula sa States unless, nagbago ang kanilang desisyon. Hindi pa naman darating ang mga kaibigan nating sina Julia at George na nasa Canada. Wala ka namang inaasahang bisita o kakilala. Sino nga ang darating Aya?’’

“Huwag mo akong i-pressure Sam at baka sabihin ko na sa’yo. Pero ma­kakapagpigil pa ako.’’

“Okey, bigyan mo ako  ng clue para matahimik na ako Aya. Kahit first letter ng pangalan.’’

Nagtawa si Aya. Maski si Tita Imelda ay nagtawa rin sa nangyayaring pagpipilit ni Sam na malaman ang taong susunduin sa NAIA.

“Sige na nga! Ang first letter ng pangalan niya ay A.’’

Nag-isip si Sam.

“Mahirap yan. Mara-ming pangalan na nagsisimula sa letter A.’’

“Sabi ko nga sa’yo sa airport ko na sasabihin.’’

“Ano ‘yung second letter, para mahulaan ko na.’’

“Ang daya! Kapag binigay ko ang sunod na letter, mahuhulaan mo na. Kaya para walang dayaan, magbihis ka na at pupunta na tayo sa airport. Alas nuwebe raw ang dating ng airplane.’’

“Aha! Alam ko na kung sino!” sabi ni Sam.

Nagulat si Aya at Imel-da. Nalaman na ni Sam ang father na si Abdullah Al-Ghamdi ang darating?

“Sino Sam?” tanong ni Aya na may kaunting kaba na nadama.

“Si A…’’ binitin nito.

“Sino Sam?’’

“Pagdating natin sa airport saka ko sasabihin!’” sabi nito at biglang nagtawa.

Pinagkukurot siya ni Aya.

 

EKSAKTONG alas nuwebe ng umaga sila dumating sa NAIA. Sa tapat ng arrival area sila tumayo at naghintay.

Makaraan ang 25 mi­nuto may natanaw si Imelda.

“Ayun sila!” (Itutuloy)

ABDULLAH AL-GHAMDI

AYA

NAGTAWA

PERO

SAM

SI A

SI TITA IMELDA

SINO SAM

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with